"Clyde! Samahan mo na yung kapatid mo sa hacienda. Hindi ko siya masasamahan dahil may meeting ako." Pinapanuod ko lang si mommy na nagaayos sa sarili niya para sa meeting.
Si kuya naman ay nakabusangot na nakahalukipkip sa pintuan at kagigising lang.
"Mom! Aagawin niya si Jake ko. You know na lagi naming pinagaagawan yun." Naiinis na sabi niya kay mommy. Biglang nagningning ang mga mata ko. Wah! Jake! I miss that horse!
"Pagbigyan mo na ang kapatid mo. Tsaka madami ka pa namang kabayo. Bakit niyo ba kasi pinagaagawan yung negrong yun!" Kunot noong baling ni mommy sa amin habang nilalagay yung earings niya.
"What? He's not negro!" Sabay na sabi namin kay mommy at tinignan namin niya ng masama. Napamaang naman siya.
"Easy kids. Just kidding. I know na maamo at magaling yang si Jake. Pero try to focus naman sa iba. Magseselos yung mga yun." Nakangising napabaling ako kay kuya.
"Okay, I lose!" Tsaka siya nag-walk out. Nagngitian naman kami ni mommy at tsaka kami naghigh-five.
Kasabwat ko si mommy na pakiusapan ni kuya Clyde na samahan akong mamasyal sa hacienda, since babalik na ako bukas sa school. Gusto ko muna yung pasyalan dahil matagal na akong hindi nakakapunta doon.
Pagkababa ko ay nagulat ako ng bihis cowboy din ang dalawa ko pang kuya. Akala ko si kuya Clyde lang pero kasama din pala sila.
Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. Ang cute nilang tignan! Pagkababa ko ay agad naman kaming lumabas at sumakay sa kotse. Nagtutuksuhan lang kami sa loob ng kotse at nung makarating kami agad sa hacienda ay agad akong napatakbo.
"Sam! Stop running!" Narinig kong sigaw nila pero hindi ko sila nilingon. Agad akong nagpunta sa kahera ng mga kabayo at nakita ko naman si Mang Bert na pinapakain si Jake.
"Wow! Ma'am, Sam! Mabuti naman at nakadalaw kayo." Ngumiti ako sa kanya at tsaka ko hinaplos si Jake na nakatingin sa akin habang ngumunguya.
"Namiss kong pumunta dito, Mang Bert. Hiramin ko po muna si Jake." Sabay haplos ko ulit kay Jake na kinausap siya.
"Sa akin ka muna ngayon. Lagi ka ng solo ni kuya eh." Natatawang kausap ko sa kanya na para namang naintindihan niya dahil tatango-tango pa. Natawa pati si Mang Bert sa ginawa ko.
Inalalayan niya naman akong sumakay. Sakto namang dumating yung mga kuya ko na hinihingal at parang ang layo ng tinakbo. Tinignan nila ako ng masama at tsaka ako dinuro ni kuya Clyde.
"Hard-headed! Kapag inulit mo pa yun, hindi ko na ipapahiram sayo si Jake!" Ugh. Highblood na naman 'tong mga kuya kong 'to. Nagpeace sign naman ako sabay ngiti at sabi ng sorry. Binato lang nila ako ng sumbrero nila pero sila din yung nagpulot. Baliw din sila eh noh?
"Kuya paunahang pumunta sa ilog!" Excited na invite ko sa kanila.
"No! Baka magwala 'tong mga kabayo namin pag maguunahan tayo." Busangot na sabi sa akin ni kuya Jaden sabay sakay sa kanyang kabayo. Sinundan ko nalang sila kung saan sila pupunta. Pero hindi ko na talaga kaya yung sobrang bagal ng lakad ng kabayo nila. Hinaplos-haplos ko naman si Jake.
"Get ready for a nice race, Jake." Nagbilang ako hanggang sa tatlo at tsaka ko siya sinimulang hampasin. Nagsimula naman na siyang tumakbo.
"Sam!" Natawa nalang ako sa kanila at kinawayan sila habang nakatalikod. Nakangiti kong nilibot ang tingin ko habang tumatakbo 'tong kabayong sinakyan ko.
Ang daming nagbago dito. Yung tinanim naming puno dito nila daddy eh malaki na. Tsaka madami na ding tanim dito eh. Malayo-layo ang tinakbo ni Jake kaya nagpahinga muna kami sa isang puno.
Bumaba muna ako at tsaka ko siya hinaplos-haplos. Pagkatapos ay naupo ako. Pinagmasdan ko ang tirik-tirik na araw. Mukhang maganda ang panahon ngayon.
"Ang tigas talaga ng ulo mo!" Napatingin ako sa mga kuya kong masama na naman ang tingin sa akin.
"Bagal niyo kasi eh." Nakangusong sabi ko sa kanila. Mas lalo naman nila akong tinignan ng masama.
"One wrong move. Uuwi na tayo." Seryosong sabi ni kuya Clyde na mas lalong nagpanguso sa akin.
"Fine. I'll behave." Sumakay na ako sa kabayo ko at tsaka sila sinundan. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa ilog. Namangha kong pinagmamasdan ito. Napakalinis! Gusto ko tuloy maligo. Nakanguso kong pinagmasdan ang ilog. Gusto ko talagang lumangoy! Akmang lalakad ako ng pinigilan ako ni kuya Clyde.
"Gusto mong umuwi na?" Umayos naman ako ng tayo.
"Hindi ko alam kung sa isda ka pinaglihi ni mommy. Yang kakanguso mo, nagmumukha ka ng isda Tapos yung mga isda gustong-gustong lumangoy. Isda ka ba?" Nagtawanan silang tatlo kaya napanguso akong humalukipkip. Pinagkakaisahan na naman nila ako.
"Oh kita mo na!" Ang mean nila!
"Isusumbong ko kayo kay dad!" Naiinis na singhal ko sa kanila. Binelatan lang nila ako kaya hinabol ko sila.
"Turtle!" Tatawa-tawa nilang tukso ng hindi ko sila mahabol. Hinihingal na napaupo ako habang pinaniningkitan ko sila ng mata.
"Isusumbong ko talaga kayo kay daddy!" Lumapit naman silang tatlo sa akin tumabi sina kuya Jaden at Zeijan sa magkabilang gilid ko tapos ni kuya Clyde nasa harap kong nakatalikod.
"Piggy backride!" Tuwang-tuwang sumampa ako sa likod niya.
Natawa nalang siya at tsaka siya tumayo at inalalayan akong mabuti para hindi ako mahulog. Nilibot naman naming apat kung ano ang makikita dito at tsaka kami nagpasyang bumalik para kumain.
"Mang Bert. Kailan pa nagkaroon ng bagong kabayo dito?" Tanong ko sa kanya pagkatapos kong lagyan ng pagkain yung plato ko.
"Medyo matagal na iha. Simula nung naging magkaibigan sila ni Mr. Tuazon dahil pumupunta din sila dito paminsan-minsan. Lalo na yung anak niyang si Wadensel." As if on cue ay bigla nalang ako nabilaukan.
Bakit? Hindi ko lang ineexpect na babanggitin niya yung pangalan na yun. Inabutan naman agad ako ni kuya Zeijan ng tubig at tsaka hinaplos-haplos yung likod ko.
"Wag kasing magsalita habang kumakain." Paalala niya sa akin. Hindi naman yun ang dahilan eh. Hindi na ako muling nagtanong. Tinuloy ko nalang yung pagkain ko.
Hindi ko alam na sobrang lalim na pala ng samahan nila ni Mr. Tuazon. Marami akong hindi nalalaman dito sa labas habang nasa loob ako ng hospital. Napabuntong hininga nalang ako. Alam kong malaki ang posibilidad na magkita kami lagi nila Pat at Wadensel dahil sa mga daddy namin.
BINABASA MO ANG
Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)
Romance"Please fight, Samantha." Said a trembling man's voice before I closed my eyes.