Chapter 37

363 13 0
                                    

"Baby, ipapakilala namin mamaya sa'yo yung private nurse mo." Napatango nalang ako sa sinabi ni daddy sa akin.

"Dito ba 'yan titira dad?" Tanong ko. Natawa naman siya.

"No. He's going to check for your health once a week lang." Tumayo siya at binuksan yung tv dito sa living room.

"He? You mean, lalake?" Mayat-mayang gulat na tanong ko sa kanya.

"He nga diba? Edi babae!" Pambabasag ni kuya Clyde sa akin. He's being a sarcastic brother again.

Nakangusong pumulupot ako sa braso ni daddy.

"Daddy, si kuya Clyde lagi nalang niya akong ginaganyan." Sumbong ko sa kanya. Kuya Clyde just mocked at me and he continued reading his book.

"Clyde. 'Wag mo namang iganyan si bunso. Kawawa naman ang baby ko."

Binelatan ko naman si kuya dahil kakampi ko si daddy. Tinaasan niya naman ako ng kilay at pangisi-ngising tumabi siya sa akin.

"I'm just kidding, little sis. Give me some hug." Biglang ngiti niya sa akin kaya napangiti akong niyakap ko siya.

Naramdaman ko naman yung pagpitik niya sa noo ko kaya napakalas ako sa kanya at nagtangkang magsumbong kay dad ng bigla niyang takpan yung bibig ko.

"Mmm! Mmm! Mmmp!" Tawag ko kay daddy pero busy siya sa panonood ng basketball.

"Magsumbong ka at puputulan na kita ng dila!" Nagmamakaawang tinignan ko siya.

Tuwang-tuwa naman siyang kinukulit ako. Nang tinanggal niya yung kamay niya ay napanguso kong isinandal yung ulo ko sa dibdib niya at tsaka ako yumakap.

"Kuya..." Malambing na tawag ko.

"Yes bunso?" Sabay na tanong pa ng dalawa kong kapatid sa kabilang sofa.

"I mean kuya Clyde!" Natatawang sabi ko sa kanila.

Napabusangot naman sila.

"Favoritism! Mas mabait naman ako kay kuya ah? Bakit mas gusto mo sa kanya?" Nagtatampong tanong ni kuya Zeijan sa akin.

"Eh kasi para siyang daddy." Tumawa kami pwera kay kuya Clyde na tinanggal yung ulo ko sa dibdib niya at nanggigigil na tinignan niya ako.

"Joke lang. Di ka naman mabiro kuya Clyde." Lambing ko sa kanya. Pasupladong inirapan niya ako.

"Tigil-tigilan mo nga ako Sam!" Inis na sabi niya sa akin. Ngumuso ako.

"Sorry na kuya. Gusto ko lang namang tanungin kung nagtetext sa'yo si Wadensel." Tinignan naman niya ako sabay sabing.

"Hindi." Napabuntong hininga ako.

Bigla akong nakaramdam ng saya at lungkot. Saya dahil ginawa niya yung promise niya. Lungkot dahil hindi ko siya maiwasang ma-miss. Tsaka ko naalala yung sinabi niya sa akin kahapon.

"Just a week but it feels like a decade for me!"

Napabuntong hininga nalang ako. Parang hindi ako sanay na wala si Wadensel sa tabi ko. Nasanay na kasi akong nandiyan siya sa tabi ko at mayat-mayang manlalambing at papasok sa kwarto ko habang may hawak na mga pagkain.

At nasanay akong kasama ko siya araw-araw.

Maghapong nagmukmok ako dito sa kwarto ko pero ginugulo-gulo ko din sina kuya pero nung nakita kong nakakaistorbo na ako ay tinigilan ko na sila at nagsolo nalang sa kwarto ko. Pinanuod ko yung binigay ni Wadensel na mga cd's.

Nang magsawa na akong manuod ay nagpasya akong lumabas sa kwarto ko at narinig ko ang ingay sa baba kaya dali-daling bumaba ako.

"Mommy. What's going o...n?"

Natigil ako sa paghakbang ko ng makita ang kinakausap nila sa baba. Para akong napako sa kinatatayuan ko at hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na 'to ay kaba ang nararamdaman ko.

"Baby, this is your private nurse. Mr. Luke Ryle Juanco, you're friend."

Para akong naubusan ng dugo ng makita ko siyang seryosong nakatingin sa akin.

P-Paanong nangyaring siya?

"H-How? P-Panong naging ikaw?" Namumutlang tanong ko.

Seryosong ikwinento niya naman kung paano siya na-hire bilang isang privatw nurse. Iniwan muna kami nila mommy para mag-usap. Hinawakan ni Luke yung pareho kong kamay.

"Sam? Kailan pa? Pano ka nagkaroon ng Leukemia? Alam ba ng mga kaibigan mo 'to? Si Wadensel? Alam ba niya?" Mabilis na tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya at tsaka ako umiling. Napanganga siya sa sagot ko. Nagulat nalang ako ng bigla siyang umiyak sa harap ko. Hindi ko alam kung iiyak or tatawa ako sa kanya eh.

"Luke tigilan mo nga 'yan para ka namang tanga eh. Parang ikaw naman yung may sakit eh." I joked.

Hindi makapaniwalang pinagmasdan niya ako habang sumisinghot.

"God! Sam? Wala ako sa sitwasyon para magbiro! You don't know how dangerous you're facing!" Napahilamos siya sa mukha niya. Umiwas nalang ako ng tingin at huminga ng malalim.

"You need to tell your condition to your friends and more importantly, to your boyfriend, Wadensel needs to know about this." Seryosong sabi niya na nagpatawa sa akin.

"Para ano? To pity me? Don't tell them about this." Umiling lang siya sa sinabi niya.

"No Sam! It's either you tell it or I'll tell it to them. They deserve to know your condition. Lalong-lalo na si Wadensel."

Wadensel...

Wadensel...

Wadensel...

No. I can't. Masasaktan siya. Ayoko.

"Please don't tell it. I'm begging Luke. Ayokong saktan sila." Naiiyak na sabi ko sa kanya.

"At anong gusto mo? You want to hide it? You can't Sam. I studied your illness and you need to admit on the hospital as soon as possible! I saw you last week. Nagpa-check up ka ng walang kasama. Tinanggihan mo yung sinabi ni Mrs. Tan na i-admit ka sa hospital! What were you thinking at ipinagbawal mo pang ipagsabi na stage 2 ka na!" Biglang galit na sabi niya. Hindi ko maiwasang mapaiyak at mapatakip ng mukha.

Oo naalala ko 'yon at masakit para sa akin na malaman na tama ngang nasa isip kong lumala ang sakit ko. Ayokong sabihin sa kanila. Ayokong sabayan ang problema nila sa problema ko kaya sinabi kong 'wag niyang ipagsabi kahit kanino yung sakit ko.

I've been suffering Leukemia simula noong bata pa ako.

Pero hanggang stage 1 lang noong bata ako noon kaya nagsimula nang maghigpit ang mga magulang ko sa akin noon. Hanggang sa tumira ako sa hospital sa laging pagsumpong ng sakit ko.

Lumuhod ako sa harap niya na ikinagulat niya.

"Luke. Please keep it a secret. Ayokong masaktan sila. Mas gugustuhin ko nalang na sarilinin ang sakit ko sa kagustuhan kong ayaw kong nakikitang naaawa at nasasaktan sila para sa akin. Kagaya mo."

I desperately said while I'm crying. Hindi siya nakapagsalita at napaiwas ng tingin. Pareho kaming lumuluha dahil sa akin. Dahil sa sakit kong 'to.

"P-Pero Sam. You need to admit as soon as possible! Mas lalong lalala 'yang sakit mo!" Nag-aalalang sabi niya.

Mabilis na umiling ako.

"I can fight my illness! Hindi na bago sakin 'to! Sanay na ako, parang kagat nga lang ng langgam yung injection nila sa akin eh. Kaya ko 'to."

Sinubukan kong magpatawa pero nanatili siyang seryoso.

"Isipin mo naman 'yang sarili mo Sam. Hindi 'yong lagi nalang iba yung iniisip mo." Naaawang sabi niya.

Wala akong makapang tamang salitang idudugtong doon. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon