Chapter 15

485 16 0
                                    

"I can walk." Naiilang na sabi ko kay Wadensel ng pagbukas niya ng pintuan sa tabi ko at akmang bubuhatin ako. Tinignan niya naman ako ng masama.

"I don't care." Matigas na sabi niya at tuluyan na akong binuhat. Alam kong rinig niya ang bilis ng tibok ng puso ko.

Bahagya siyang napangisi ng mahuli akong nakatitig sa kanya kaya iniwas ko nalang ang tingin ko. Halos manginig na ang mga kamay kong nasa batok niya habang papunta kami sa condo unit niya.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng ingat na ingat niya akong ibinaba sa couch at walang pasabi na umalis. Bigla akong napahinga ng maluwag at napahawak nalang ako sa dibdib ko. He has the ability to make me feel this way.

Habang nakatitig ako sa kawalan ay napahawak ako sa kaliwang balikat ko dahil sa sobrang pagkirot nito. Napapikit ako ng mariin at tsaka ko isinandal ang likod ko sa couch.

Bigla akong kinabahan. Baka pag nalaman 'to ni coach ay hindi niya na ako papayagang sumali. Wala dapat makaalam nitong braso ko. I badly need to get the goldentroph!

Nabalik ako sa katinuan ko ng makita kong tumabi sa akin si Wadensel. Bigla akong nakuryente nung nagkadikit ang mga braso namin kaya napalayo ako.

Hindi ko alam kung naramdaman niya din yun pero hinawakan niya yung pulsuhan ko at tsaka niya ako pinalapit. Wala na akong magawa dahil sa malakas siya.

"Look at me." Ayan na naman yang 'Look at me' na yan eh! Hindi niya ba alam na nagwawala yung puso ko pag tumitingin ako sa mga mata niya?

Napabuntong hininga nalang siya at naramdaman niya yung kamay niya sa baba ko. Tinignan niya ako ng mabuti sa mata.

"Why are you always avoiding your gaze on me?" Seryosong tanong niya. Mas lalong nagwala ang puso ko dahil doon. Pansin niya?

"I'm not." Mahinang sabi ko.

I lied.

Pinaningkitan niya naman ako ng mata.

"Really? Why are you blushing then?" Ngising tanong niya. Mas lalo lang yatang namula yung mukha ko. Napatili nalang ako ng bigla niyang dampian yung gilid ng labi ko ng bulak pero napangiwi lang ako at tsaka iniwas yung mukha ko sa hawak niya.

"Masakit!" Agad na angal ko. Kumibot ang labi niya ay tsaka siya humalukipkip sa harap ko.

"Ngayon ka lang magre-react na masakit? You should've shout the pain a while ago." Sarcastic na sabi niya.

Ang sungit niya talaga. Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan siyang gamutin yung sugat ko.

"Ang kulit mo!" Asik niya sa akin at tsaka niya isinandal yung ulo ko sa couch kaya nagulat ako.

"Better." Itinuloy niya yung paggagamot sa akin. Bawat pagdampi ng bulak sa mga sugat ko ay ingat na ingat siya.

Sana magawa niya din yan sa puso ko. Na sa kabila ng sakit ay sana ay ingat din siya sa pananakit sa puso ko.

Kailan mo ba ako mapapansin, Wadensel?

Habang nakatitig ako sa kanya ay bigla niyang tinigil ang panggagamot sa akin at napatingin sa mga mata ko. Alam kong nabasa niya ang mata kong nakatitig sa kanya, pero wala akong pakialam. Gusto kong malaman niyang gusto ko siya.

Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero kahit ganun ay sisiguraduhin kong sasagutin ko ang mga tanong niya ng totoo. Gusto ko lang na malaman niya na gusto ko siya.

Bigla akong natigilan sa lamig na tingin na binitawan niya sa akin. Muli ay, may naging ideya ako kung ano ang iniisip niya sa mga puntong ito.

"You like me." That's not a question. Alam na talaga niya. Napatungo nalang ako at tsaka ko nilaro-laro yung kamay ko. Bumuntong hininga ako at tsaka ako humugot ng lakas ng loob.

"You're right. I like you. No, I-I already fall..." Inangat ko ang tingin ko. Nag-iingat na tinignan ko siya.

"...and I think I love you." Nakita ko kung paano umigting ang mga panga niya at halatang ayaw niya sa sinabi ko.

"Stop it. You should stop your feelings for me. I don't like you, Sam. Have shame also on yourself. You're confessing infront of me, nakakababa ng tingin!" Bigla siyang tumayo kaya napatayo rin ako.

Nakakapanghina ng loob yung sinabi niya pero kumakapit parin ako sa timbang nararamdaman ko para sa kanya.

"Why are you doing this? I know you like me too!" The way he care for me a while ago, I know that meant for something pero hindi ko alam kung bakit siya naging cold nalang bigla sa akin. Ngumisi siyang humarap sa akin gamit ang malalamig niyang mga mata.

"I care for you because you're my brother's friend and my daddy's business partner's daughter. And it's normal. I can't believe that you're giving a meaning of what I am doing in return. I can't believe you. Don't give meaning in everything, you're being pathetic." Iiling-iling na sabi niya. Napamaang ako doon. Hindi ko lubos akalain na ganito pala kasakit siya magsalita.

He's Wadensel after all.

"But, I'm already inlove with you." Nanghihinang sabi ko sa kanya. Napatigil siya at yung kaninang titig na malamig ay mas lalong lumamig.

"Forget about your feelings for me. Kahit kailan hinding-hindi kita magugustuhan." Malamig na sabi niya na tuluyang nagpahina sa buong sistema ko. Yung kaninang bilis ng tibok ng puso ko ay napalitan ng mabagal at parang sumisikip.

Sunod-sunod ang iling na ginawa ko. It's not easy to forget my feelings. I already love him. I can't take the risk to forget about this. And the way he looked at me a while ago is really different. I know he has a feelings on me. I'm sure of that. Hindi ako pwedeng magkamali. But why?

"Do you really want me to do that?" Seryosong tanong ko sa kanya kabila ng masasakit na salitang natanggap ko sa kanya. Sa pagtango niya ay biglang bumagsak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. He looked shock at nagtangka siyang lumapit sa akin pero umiling lang ako at napahakbang paatras.

"Sam." Naaawang tawag niya sa akin.

Damn you, Wadensel. You don't know how much you hurt me with your words.

"In my entire life, sa iisang tao lang nagkagusto 'tong puso ko, and that's you Wadensel. Tinanggap ko lahat ng pagkamuhi mo sa akin. Tinanggap ko kung paano mo ako ipagtulakan at ayaw papasukin sa buhay mo pero wala akong magawa! I tried to pull myself back to you but you're still pushing me away. Na kapag lumalapit ako ay doon ka lalayo. Ganun mo ba ako sobrang kinamumuhian? Ano bang ginawa kong mali sayo? At yung nangyari kanina? Kung alam ko lang na mapupunta dito ang kahahantungan ng sakit na dinanas ko kanina. Sana hindi mo nalang ako tinulungan. Mas doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon kaysa kanina. I love you, but you're forcing me to forget my feelings for you. I love you, but you choose to hurt me. And I love you, but you choose to hate me." Agad akong napatingala at tsaka ko kinuha yung bag ko sa couch. Umiiyak na tinignan ko siya.

Ngayon. Hahayaan kitang ipakita kung gaano ako kahina sa harap mo. Not because I want you to feel pity, I just want you to know how much you've hurt me, Wadensel. I want him to realize na hindi ako katulad ng step-mother niya.

"Sam! Stay here. Let's just forget about this for a while. Hintayin mo sina tito dito." Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya at puno ng hinanakit ko siyang tinignan.

"Stop acting like you really care. I'm just doing your favor. This is the start of your decision. Gusto mong kalimutan ko ang nararamdaman ko? Then let me go and I'll stay away from you." Humihikbing sabi ko sa kanya. Tumalikod ako pero hinawakan niya ako sa braso.

Tinabig ko naman yung kamay niya at nakita ko kung gaano katakot ang mata niyang nagsusumamo sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya ganito. Hindi ko siya maintindihan.

Pagod na tinignan ko siya.

"Gagawin ko lahat ng gusto mo. For the last time, I choose to accept what you want me to do, kahit na mahirap. Hindi ko 'to gagawin para sa sarili ko at para kalimutan ang nararamdaman ko para sa'yo. Gagawin ko yun kasi yun ang gusto mo. Mas gugustuhin ko ng ako ang lumayo kesa ipagtulakan mo na naman ako. Ganyan kita kamahal, Wadensel. Kaya kong magsakripisyo para sa ikakasaya mo." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay dali-dali akong lumabas ng condo unit niya.

Wadensel...

I'm willing to do your favor. Hindi na baleng masaktan ako, kesa namang ipagpilitan ko ang sarili ko sayo. Atleast sa huli hindi ako natakot na ipaalam sayo ang totoong nararamdaman ko.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon