Nakatitig lang ako sa tv pero yung utak ko ay naglalakbay sa kung saan-saan na parang walang patutunguhan. Alam niyo 'yon? Kasi yun yung ginagawa ko ngayon eh.
May namimiss ako pero kailangan kong palayuin siya dahil balang araw ay iiwan ko rin siya. Mas mabuti na siguro yung nangyari kahapon. Baka mas mahirapan lang kaming pareho.Wala akong balak makipaghiwalay dahil sa sakit ko pero hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Selfish.
Naging selfish ako dahil sa kagustuhan kong 'wag siyang saktan pero ano ngayon ang ginagawa ko sa kanya? Itinutulak ko siya papalayo sa akin dahil ayaw kong masanay siya na nasa tabi niya ako lagi dahil mawawala din ako.
Alam kong walang kasiguraduhan ang patutunguhan ng sakit ko. Kaya kong lumaban pero hirap na hirap na din ako. Ilang taon akong lumalaban sa sakit kong ito ng mag-isa pero hindi pa din ako gumagaling.
Napatingin ako sa mga aparatong nakakabit sa katawan ko at tsaka ako napabuntong hininga at umupo ng maayos.
Narinig kong bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon at nagulat sa mga taong dumating.
Napatakip sila sa bibig nila at naluluhang lumapit sa akin ang mga kaibigan ko pati narin ang mga kaibigan ni Wadensel.
"Saaam!" Sabay-sabay na niyakap nila ako.
"Teka! 'Di ako makahinga." Natatawang sabi ko sa kanila. Tinignan naman nila ako ng masama.
"Gagaling ka! 'Wag na 'wag kang susuko ha? Ikakasal pa akong bruha ka!" Naiiyak na sabi ni Seb pero natigil siya ng bigla siyang batukan ni Pat.
"Aba, aba! Tutuwid ka na ba ng landas, bakla? Iiwan mo 'ko ganern?" Nakataas na kilay na tanong sa kanya ni Pat.
Kumunot ang noo ni Seb sa sinabi niya.
"Gosh! Nakakadiri ka talaga Patty! I mean is makikilala pa niya yung magiging groom ko!" He flips his imaginary long hair kaya natawa ako sa kanya.
Ang saya lang kasi kahit papano ay napapasaya nila ako. Iba talaga yung feeling kapag may kaibigan kang bakla. Aminin man natin o hindi gumagaan ang pakiramdam natin kapag nag-joke na sila.
"Ah! Welcome to hell nalang sa lalaking magpapasakal sa'yo." Tatawa-tawang sabi niya.
"Sakal talaga? Eh kung ikaw kaya ang sakalin ko diyan? Bruhang 'to!" Gigil na singhal niya.
"Totoo naman noh! Ngayon palang ay maaawa na ako sa lalaking 'yan!"
"My gahd! I hate you to infinity and beyond!" Biglang sigaw niya at tsaka kami naghagalpakan ng tawang lahat dahil papalit-palit sila ng salpok hanggang sa si Cath na yung bumatok sa dalawa. Kaya ayun, nasa sahig silang pareho habang nakahawak sa ulo nila.
"Walang hiya ka, Cathy!" Gigila na sigaw nung dalawa.
"Oh bakit? Kulang ba sa lakas? Sige next time mas lalakasan ko pa." At tsaka siya tumawa ng tumawa ng makitang mas lalong napabusangot yung dalawa.
"Yuck! Tumigil ka nga sa kakatawa mo! Para kang mangkukulam!"
Tinignan ni Cath si Pat na nakatayo na.
"Aba! Makalait ka ah? Ikaw nga mas malandi pa kung makatawa!" Asar na sambit niya dito.
"Manahimik nga kayo! Ampapanget niyo!" Biglang sita ni Max at tsaka siya napatingin sa akin.
"Except kay Sam, siyempre. Siya ang pinakamagandang babaeng nakilala ko. May kakambal ka ba Sam? Liligawan ko sana." Nahihiyang sabi niya na nagpangiti sa akin.
Magsasalita na sana ako ng sumabat si Seb.
"Ako! I'm her twin. You know, we're both gorgeous." He said flirtly kay Max.
BINABASA MO ANG
Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)
Romance"Please fight, Samantha." Said a trembling man's voice before I closed my eyes.
