"Wala ka pa bang balak umuwi?" Yamot na tanong ko dito sa katabi ko. Nakauwi na kami pero andito pa din siya. Hindi ko siya tinignan at nanatiling nasa pinapanuod ko yung tingin ko.
Ramdam kong lumipat sa akin ang atensyon niya. Prenteng nakaupo siya sa tabi ko habang pinaglalaruan yung unan ko.
"I will have my dinner here." Bale-walang sagot niya. At tsaka siya tumayo at inilibot ang tingin sa kwarto ko.
Nanlaki ang mga mata ko dun sa tinitignan niya sa picture frame. Dali-dali akong tumayo at tsaka kinuha ko 'yon. Itinago ko ito sa likod ko. Napabuntong hininga ako at tsaka ko hinintay yung pagsita na naman niya sa nararamdaman ko. Sa masasakit na salita.
"You really love me that much?" Gulat na napatingin ako sa kanya. Pero maya-maya lang ay umiwas ako ng tingin. Feeling ko pulang-pula na ako!
Mas lalong nagpabilis ng puso ko ay yung pagngiti niya. Ngayon ko lang 'yon nakita. Napatingin ako sa litrato namin noong bata pa ako. I crop this para magmukhang kaming dalawa lang.
"Ipapatapon mo din ba 'to?" Nanlulumong tanong ko. Kung alam ko lang sana na pupunta siya dito ay dapat itinago ko nalang 'to.
Mabilis niyang inagaw yung picture frame sa likod ko kaya hindi ko na 'yon napigilan dahil sa pagkakadikit ng katawan namin. Pareho kaming nabigla ng magkadikit ang dibid naming dalawa kaya dali-dali kaming lumayo sa isat-isa.
Kulang nalang ay lumabas at tumakbo yung puso ko palabas. Hindi ko alam kung bakit ganito kalakas ang epekto ni Wadensel sa akin.
"You keep this for a long time. It's time for me to keep it also." Hindi ko alam pero parang dobleng meaning yung sinabi niya. Gustuhin ko mang 'wag lagyan ng malisya 'yon ay hindi ko parin maiwasan. Susugal na naman ba ako? I sighed.
"Akin na yan!" Pilit kong kinukuha yung picture sa kanya pero inilayo niya lang ito sa akin.
"This is now mine." Mayabang na sabi niya at tsaka niya yun inilagay sa bag niya.
"Wadensel!" Naiinis na talaga ako sa kanya! Ang mahal mahal ng ginastos ko dun!
"Easy. You're so possessive. Sorry, but I'm more than possessive than you." Seryosong ssbi niya sa akin na nakapagpatigil sa akin. Napakunot ang noo ko sa kanya.
"Pinaglalaruan mo ba ako?" Seryosong tanong ko sa kanya. Bigla din siyang sumeryoso.
"I hate playing games, Samantha." Malamig na sabi niya. Ilang minuto kaming nagkatinginan hanggang sa bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Wadensel, iho. Kakain na. Anak, baba na." Tawag sa amin ni daddy. Napunta sa kanya yung tingin namin. Nakangiti siyang pinagmasdan kami.
"Mamaya na ako kakain dad." Agad akong humiga sa kama ko at tsaka ako tumalikod sa kanila.
"Baby, sumabay ka na. Nakakahiya naman kay Wadensel." Psh. Iniiwasan ko na nga siya eh. Bakit ba ang hirap iwasan ng taong mahal mo.
"I'm not going to eat if she's not joining us." Napaharap ako kay Wadensel na nakahalukipkip na ngayon sa tabi ng kama ko.
Tinignan ko siya ng masama pero ngumiti lang siya sa akin at tsaka niya ako tinabihan sa kama ko. Dali-dali naman akong tumayo.
"Wadensel!" Sita ko na ikinahalakhak niya. Inis na lumapit naman ako kay daddy na tuwang-tuwang pinagmamasdan kami.
"Anak, don't be mean to Wadensel." Mas lalo akong napabusangot dahil kinampihan niya si Wadensel.
"Dad! I can't believe that you're taking his side." I pouted. Natatawang kinurot niya yung pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)
Romance"Please fight, Samantha." Said a trembling man's voice before I closed my eyes.
