Nakangiting pinagmasdan ni Samantha ang mga bulaklak sa paligid niya. Sobrang aliwalas neto at masarap tignan sa mata.
Napatingin siya sa mga taong natutulog sa kwarto niya. Nilibot niya ang tingin at nakita yung vacant na dingding sa headboard ng kama niya.
Marahan siyang tumayo at tinanggal ang mga nakakabit sa kanya kahit nanghihina pa siya. Umalis siya sa kama para kumuha ng litrato sa desk niya. Litrato ng mga kaibigan, magulang, kapatid at ang lalaking mahal niya. Napapangiti siyang pinagmasdan ang mukha ni Wadensel sa picture nilang dalawa. Kapwa halos masaya. Mga araw na gusto niyang balik-balikan.
Napapangiting kinuha niya ito at ang camera na agad nilalabas ang kuhang mga pictures at tsaka siya pumunta sa kama niya.
Muli niyang pinagmasdan ang mga taong nakatulog sa kwarto niya at napangiti siya ng makita ang mga magulang niya sa tabi niya at mga kuya niya na parang hindi kayang umalis sa tabi niya gaya ng ginagawa nila noon nung bata pa siya. Ayaw nila itong naiiwan mag-isa sa kwarto dahil iyak siya ng iyak kapag hindi nakikita ang mga kuya niya lalo na ang kuya Clyde niya.
Napatingin naman siya sa paanan ng kama niya. At halos may humaplos sa puso niya ng makitang kumpleto ang mga kaibigan niya at kaibigan ni Wadensel sa kwarto niya. Napatingin naman siya sa tabi niya at marahan siyang natawa ng makita niyang gulo ang buhok ni Wadensel. Marahan niya 'yong hinaplos at inayos para hindi ito magising.
Madaling araw na at siya lang ang gising sa kanilang lahat. Hindi namalayang gising na siya. Gusto niyang isurprise sila mamayang umaga. Napangiti siya sa balak niya kahit papano.
Nag-umpisa na siyang maggupit ng pictures ng mga kaibigan niya at mga pamilya niya at lalong-lalo na ang picture nila ni Art. Idinikit niya 'yon sa dingding sa may headbord ng kama niya. Kahit hirap niyang abutin ay ginawa niya parin.
Ng matapos siya ay kinuha niya ang camera at itinutok 'yon tig-iisa sa mga taong nandoon kasama niya. Ang last na kinuhanan niya ay ang lahat mismo silang nakatulog habang siya ay nakangiti sa harap ng camera. Madami siyang shot na kinuha.
Napatingin siya sa kama niya at ang daming pictures na lumabas na kakakuha niya lang. Kinuha niya ang picture nila ni Wadensel. Nakapikit siya habang nakahalik sa pisngi ni Wadensel.
Kinuha niya 'yon at yun ang idinikit niya sa pinaka gitna. Lahat ng kakakuha niyang pictures ay sa gitna niya inilagay. Pagkatapos ay bumaba ulit siya sa kama ng dahan-dahan para hindi sila magising.
Kinuha niya sa ibaba ng kama niya ang christmas light na yellow ang kulay kapag umilaw at tsaka siya bumalik ulit sa kama niya. Tumayo siya sa kama niya at tsaka niya nilagay ang christmas light sa gilid ng pictures. Bale naka-square ang ilaw doon sa lahat ng pictures na ginawa niya.
Pagkatapos niyang ginawa 'yon ay nakangiti niyang pinailaw 'yon. Mas lalo siyang napangiti ng makitang sobrang ganda ng ginawa niya. Pinatay niya ulit ang ilaw at tsaka siya nahiga ulit habang pinagmamasdan si Wadensel. Bali nakatagilid siya habang tinitignan ang mugtong mata ng lalaking mahal niya.
"I'm sorry." Mahinang bulong niya dito at tsaka niya ito hinalikan sa noo.
Narinig niya lahat ng sinsabi ni Wadensel noong tulog siya. Gusto niyang imulat ang mga mata niya pero nahihirapan ito lalo na kanina ng marinig niya ang nasasaktan at nagsusumamong boses ni Wadensel ay hindi niya kinaya at napaiyak siya habang walang magawa kung hindi ay pakinggan ang mga hagulhol nila.
Napatingin siya sa suot niyang hospital gown. Napabuntong hininga siya at tsaka siya umalis sa kama niya para magpalit. Isang white dress ang isinuot niya. Napangiti siya ng tuluyan niya na itong naisuot. Nagmistulan siyang anghel sa suot niya. At hindi siya makapaghintay na makita nila ito bukas.
BINABASA MO ANG
Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)
Romance"Please fight, Samantha." Said a trembling man's voice before I closed my eyes.