Chapter 1

1.2K 25 0
                                    


Samantha Mika Montecillo

Malungkot na nagaalmusal mag-isa ang dalaga sa loob ng private room niya sa hospital.

Naalala niya ang mga magulang niya. They want to be with her pero dahil sa kagustuhan niyang wag siyang kaawaan ay sinabi niyang gusto na muna niyang mapag-isa.

Nang matapos siyang kumain ay tamang-tama lang na kumatok ag driver nila. Agad naman siyang tumungo sa pinto at nginitian ang driver nila.

"Good morning Mang Fred!" Masiglang bati niya. Ngumiti naman ang matanda sa kanya at kinuha ang gamit ni Sam pero tumanggi lang siya.

"Ako na po. Magaan lang naman po 'to!" Akmang magpupumilit si Mang Fred ay napanguso nalang siya.

"Sige na nga po." Nakangusong sabi niya habang binibigay ang kanyang bag. Nauna naman siyang naglakad hanggang sa nasa harap na sila ng sasakyan.

Tahimik ang naging byahe dahil nakaramdam ng antok si Samantha. Napabuntong hininga nalang siya ng mapansing nasa school na pala siya. Agad naman siyang bumaba at sinalubong siya ni Cath na aligagang chineck siya. Napangiti naman siya at tsaka siya nagtangkang yakapin si Cath ng pigilan siya.

"Ano yung sinasabi ni Tito sa amin na hindi muna kami pwedeng dumalaw sayo, huh? Really, Sam!" Mariin, may halong inis na bulong niya sa kanya. Napanguso naman siya habang tinitignan ang kaibigan niyang frustrated na sa kanyang bilin sa kanyang nurse.

"It's too early for that kind of expression, Cath! Tsaka, nagsasawa na ako sa pagmumukha niyo." She joke pero hindi man lang tumawa si Cath.

Tinignan niya ng masama ang kaibigan niya na mistulang mukhang nakakatawa nga yung joke niya, pero siya lang naman ang tumatawa. Inis na hinila niya ito.

"Eh! Naiinis ka na naman ba sa akin?" Tanong niya kay Cath sa sinusundot siya. Tinignan niya na naman ito ng masama pero ngumiti lang ulit si Sam sa kanya.

Dinala niya ito sa school canteen nila at nagorder ng mga gulay. Ganyan si Cath. Lahat gagawin niya para lang maging healthy ang bestfriend niya. Ni lamok eh ayaw niyang padapuin. Ganyan ka-concern ang mga nakapaligid kay Sam. Kung si Cath ay ganyan, mas doble naman ang mga kuya niya.

"Eat. We still have 5 minutes." Umupo siya sa harap ni Sam na nakangiwing nakatitig lang sa pagkain.

"Katatapos ko lang kumain eh! Tataba naman ako sayo!" Reklamo niya. Muling napaiwas si Cath ng tingin dahil baka magpupumilit siya na wag kainin yun. Mahirap na, pagnagmakaawa si Sam.

Mapapatitig ka sa mga magaganda niyang mata, which is like that those eyes were like pulling you to her.

She's hard to resist.

"Hindi ka nga tumataba eh. Kung pwede lang sana kitang pakainin bawat oras eh ginawa ko na!" Singhal ni Cath sa kanya.

"Busog pa nga ako, Cath! Pero sige, etong carrots lang kakainin ko ha? Yung iba, bigay mo nalang kina Pat at Seb." Napatango nalang si Cath para matigil na siya sa pagpupumilit na 'wag kainin yun.

Atleast kakain siya ng healthy food. Pinanuod niya nalang si Sam na kumakain. Kung titignan mo ay wala talaga siyang sakit dahil sa ganda ng itsura niya.

She can hide it.

Napabuntong hininga siya habang pinagmamasdan niyang with poise siyang kumain. Umaalingasaw ang yaman sa itsura niya pero si Sam yan eh. Wala siyang pakialam sa estado ng buhay. Gusto niya lang mamuhay ng normal.

Nangunot naman ang noo ni Sam ng makitang mataman siyang tinitignan nito. Tatanungin na niya sana ito pero napapitlag siya sa gulat ng marinig niyang padabog na may sumipa sa isa sa mga upuan malapit sa kanila.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon