"Mr. and Mrs. Montecillo, didiretsuhin ko na kayo. The condition of your daughter is getting worst. She needs to do a chemo." Paliwanag ng doktor sakanila. Nagkatinginan ang mag-asawa at problemadong napabuntong hininga.
"You need to decide as soon as possible bago kumalat ng sakit niya at maapektuhan ang ibang organs sa katawan niya which is the most dangerous part of having a cancer."
Nang umalis ang doktor ay agad na nag-usap ang magpapamilya. Si Wadensel ang nagbabantay kay Sam sa kwarto niya at tuwang-tuwa sila ng bumalik ang dating sigla niya. Alam nilang ngumingiti si Sam pero ramdam nila ang kakulangan ng ngiting 'yon.
Kaya ngayon ay kitang-kita nila ang buong ngiti at ang maaliwalas na ngiting ipinapakita niya.
"We need to talk to Wadensel para makumbinsi si Sam na magpagamot sa ibang bansa." Namromroblemang sabi ng kanyang daddy.
"Sigurado ba kayong papayag si Sam?" Tanong ni Zeijan.
"We need to convince her. I don't want to lose her kaya kahit na magalit siya ay wala akong pakialam. At alam kong makakatulong dito si Wadensel." Walang kaemo-emosyong sabat ni Clyde.
Tinapik siya ni Jayden sa balikat.
"Be careful kuya. You're being a harsh to her on the past days." Seryosong sabi niya sa kanya.
Napatakip nalang siya ng mukha at tsaka marahas na bumuntong hininga.
"Nagaalala lang ako."
"Lahat tayo nagaalala sa kanya anak. Sa ginawa mo, sa tingin mo ba ay lalakas ang loob niyang gumaling? Alam mo namang lagi niyang sinisisi ang sarili niya kapag may nangyayari. Kaya 'wag mo ng pagalitan ng ganun ang kapatid mo ha? 'Wag na nating dagdagan ang sama ng loob niya." Mahinahong sabi ng kanyang daddy at tsaka siya tinapik sa balikat.
Pagkatapos nilang mag-usap ay kinausap nila si Wadensel na kausapin at pilitin si Sam na magpagamot sa ibang bansa.
Sinabi din ng mga magulang ni Sam ang dahilan kung bakit ayaw ni Sam na pumunta sa ibang bansa.
Alam ni Wadensel na mahihirapan siyang papayagin si Sam doon at gagawin niya ang lahat para pumayag ito sa pagpapagamot.
"Mommy, daddy! It hurts!" Nagulat silang lahat sa sigaw ni Sam sa kalagitnaan ng gabi. Dali-dali silang lumapit kay Sam na namimilipit sa sakit habang nakahawak sa tiyan niya.
"Anak!" Natatarantang lapit ng mommy niya at ganun din ang daddy niya.
"Ah!" Muling inda niya at halos manginig na siya sa sakit.
"Sam! Calm down!" Pagpapakalma ng kanyang mga kuya.
Si Wadensel naman ay mas lalong kumabog ang dibdib sa kaba. Ngayon niya lang nasaksihan ng harap-harapan kung gaano nasasaktan ang babaeng mahal niya.
Pawis na pawis at puno ng luha ang mukha ni Sam habang hawak-hawak ang tiyan niya sa tindi ng pagkirot nito. Agad na pinindot ni Jayden ang button ng nurse station at alam nilang agad na may pupunta para asikasuhin sila.
"Ah! Ayoko na...M-mom.... Dad..please..s-stop this..." Napahagulhol siya sa sakit at agad na lumapit si Wadensel at tsaka siya niyakap kahit na galaw ng galaw ito dahil sa sakit na nararamdaman niya.
"Baby, calm down. Papunta na dito ang mga nurse!" Natatarantang sabi ng kanyang ina.
Hirap na hirap sila sa nakikitang pamimilipit sa sakit ni Sam kaya kahit na umiwas ng tingin ay hindi nila magawa dahil sa pagaalala sa kanya.
Hindi nagtagal ay pumasok na ang nurses at tsaka yung doktor niya kasama si Luke na private nurse niya. Hindi na nagulat si Wadensel ng makita niya ito dahil ipinaliwanag sa kanya ng pamilya ni Sam ang lahat.
Agad siyang chineck ng doktor niya.
"Prepare the private room now!"
Aligagang sumunod ang mga nurse sa kanya.
"B-Baby.. You'll be fine, okay? Be strong anak." Humahagulhol na sabi ng kanyang ina habang pinapatahan niya ito sa pagiyak.
Biglang napahigpit ng hawak si Sam sa kamay ni Wadensel. Hindi niya alam pero napatigil siya sa pag-iyak niya pero tahimik na humihikbi. Tinitigan niyang mabuti ang mukha niya na parang yun na ang huli.
Halata niya ang pagod sa mukha nito at alam sinisisi niya ang sarili niya kung bakit hindi nakakapasa ng ibang requirements si Wadensel dahil sa pagaalaga sa kanya.
He's willing to give up his future just for her sake, she felt special but then she can't avoid to felt guilt about it. Nagaalalang tinitigan siya ni Wadensel habang lumuluha.
Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng kakaiba sa titig ni Sam kaya umiwas siya ng tingin at nalipat 'yon sa kamay nilang dalawa.
"P-Please fight, Samantha." Ngumiti si Sam sa kanya at kumawala ang napakaraming luha sa kanyang mga mata.
"M-Mahal na mahal kita."
Hirap na hirap man ay nagawa niya paring bigkasin 'yon habang paunti-unting sumara ang kanyang mata.
"B-babe?" Natatarantang tawag ni Wadensel sa kanya ng mabitawan nito ang kamay niya.
"S-Sam. Just stay awake! Matapang ka diba?! Then do it infront of us! Keep fighting. Hihintayin kita." Naluluhang sabi sa kanya ni Wadensel na mas lalong nagpaiyak sa lahat.
Bago ipinasok sa operating room si Sam ay minulat niya ang isa niyang mata at sinulyapan niya silang lahat at binigyan ng isang maaliwalas na ngiti pero hindi nakatakas sa kanila ang butil na pagluha niya bago siya tuluyang ipinasok sa loob.
"M-Mom... Natatakot ako." Biglang napahagulhol si Clyde at parang batang napaiyak sa bisig ng kaniyang ina.
Ganun din ang dalawa niya pang kuya na humahagulhol sa pagiyak.
"Gagaling siya." Walang emosyong bigkas ni Wadensel pero lumuluha. Napatingin sa kanya ang lahat.
Ngumiti siya ng tipid.
"I can feel it. She can make it. I'm going." Biglang umalis si Wadensel sa harapan nilang lahat.
Habang naglalakad ay bigla siyang gumilid sa hindi kitang tao at doon napahagulhol ng iyak.
"A-Ayokong mawala ka. Hindi ko kaya." Sabi niya sa kanyang utak at biglang napaluhod sa sakit na nararamdaman niya.
"God. Please save her.." He whispered. "Please fight, Samantha." His voice trembled.
BINABASA MO ANG
Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)
Romance"Please fight, Samantha." Said a trembling man's voice before I closed my eyes.