Chapter 1

494 8 3
                                    

-- "Ikaw lang ang may alam sa tunay mong kakayahan pagdating sa labanan."

Megan's POV

-___-

'Hay buhay. Saan ba tutungo ang usapan na ito, eh, hindi naman ako dapat kabilang dito sa meeting na to?!"

Ilang oras na akong nakatanga rito. Nakapalumbaba at nakatingin lang ako sa nagsasalita sa harapan na siyang uncle ko.

"Megan Vermudez. Siya ang papalit sa pwesto ng kanyang ama na si Nathan Vermudez. Si Megan narin ang magpapatakbo ng--"

"Ano! ako? Uncle naman, alam mo naman na hindi ako interesado dyan sa mafia group nayan. Papatay lang ako ng tao sa wala." Tuloy tuloy na sabi ko mula sa bigla na pagtayo ko. Nakita ko ang reaction ni uncle. Nakanganga na parang magagalit.

"Stop this childish things Megan!"

Bigla akong napalingon sa kabilang dulo ng lamesa ng nagulat ako sa sigaw ni papa.

"The decision is now final. Ang sinumang kokontra, lumabas na ng opisinang ito." Matapang na sabi ni papa.

'Eh?!'

-____-

Aakmang pupunta na ako sa pinto ng bigla akong hinarangan ng isang bantay. "Akala ko ba Pa, lalabas ang syang kokontra sa desisyon, eh, bakit ayaw nya akong palabasin?" Agad kong itinuro ang bantay.

"Okay, Megan Vermudez my only daughter, she will take over my position. Megan please take your seat. Ikaw rin Ethan."

'Tsss. Di lang naman ako narining ng magaling kong tatay. Eh ano pa ba ang magagawa ko, eh, di sumunod.'

Bumalik ako sa aking kinauupuan at kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko. Tiningnan ko ang uncle ko na nakatingin sakin.

'Tumahimik ata ang conference room. Tinotopak talaga ang mga tao ngayon. Pati ako nadadamay sa pagiging topakin nila.'

Umiling nalang ako at tumayo.

"What? Magtitgan nalang ba tayo buong araw? Sige, game ako dyan. Ang unang kumurap, talo. Pag talo,sya ang magigi--"

"Megan! Para kang bata. Kala mo ba dito sa clan natin? Laro? Cge bato bato pick tayo. Hanggang li--"

"Oliver! Kinokonsinte mo naman yang kapatid mo. Kaya walang nagagawang katinuan yan. Listen, may one month tayo para makapaghanda. Makapaghanda para sa pagbabalik ng White Unicorns." Seryoso naman na sabi ni Papa.

"Buhay talaga. Bakit ba kasi ako ang inilagay nyo sa pwesto na to? Alam nyo namang di ako deserving diba?"

"Dahil ikaw ang maykakayahan at may diskarte pagdating sa ganitong bagay Megan." Sabi ni kuya Oliver na syang biglang tumayo at dinuduro ako.

"Ikaw, ikaw lang ang makakapagpatakbo ng organisasyong ito. Sa ngayon, hindi mo pa nadidiscover kung anong meron ka. Tulad ni papa, sa'yo lang namin nakita at narinig ang mga salita at bagay na ginagawa ni papa." Dagdag pa ni Ravin.

Umupo na ako. Finold ko ang dalawang kamay ko at ipinatong ko ang baba ko.

"As I said before Megan. Ikaw na ang magpapatakbo ng organisasyong ito, at ang magiging kanang kamay mo naman ay si Jayden. Siya ang magtuturo sa'yo nang lahat." Sabi ni papa habang nakasandal siya sa swivel chair. Tahimik lang ako habang sila salita nang salita ng mga bagay na hindi ko naiintindihan. Para hindi halata na hindi ako nakikinig, tango lang ako ng tango na para na akong tanga sa kinauupuan ko.

The Mafia Clan (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon