"Hindi mo talaga maloloko ang isang tao lalo na't nag-iimbistiga rin siya tulad ng ginagawa ng ibang tao."
Oliver's POV
Umakyat at pumasok na si Megan sa kwarto niya at kami naman ay naiwan dito sa sala kasama si Maegan.
"Excuse me lang boys. Akyat lang ako ng kwarto. May kukunin lang."
"Sige." Sagot ko at tumango naman si Ravin.
"Kuya, buti naman at naisipan pa nilang umuwi kay tita ano?"
"Hindi naman uuwi ang mga yan kung hindi dahil kay President. Lalong lalo na si Megz."
"Talagang kilala mo ang ate ano? Paano kaya kung hindi ako pumunta ng Japan noh? Ganun ko ba din siya kakilala tulad ng sayo?"
'Parang hindi naman kayo nagsama nung nasa Japan kayo. Tsk.'
Ilang taon rin si Ravin sa Japan at pabalik-balik lang sya dito sa Pinas kapag bakasyon o kaya naman ay may okasyon sa amin. Halos doon narin siya lumaki dahil sa Japanese citizen siya at nakakailang taon pa lang siya dito sa Pilipinas.
Nagtataka kayo kung bakit straight magtagalog si Ravin?
Tagalog kasi makipag-usap si Lolo kay Ravin kaya tuwid ang tagalog niya. Minsan lang silang magsalita ng niphonggo kaya ganun.
Umiling-iling nalang ako at tumayo.
"Tawagin mo na ang mga ate mo. Kakain na tayo." Utos ko kay Ravin at tumango naman siya.
Pumunta na ako ng kusina para maghanda ng pagkain sa hapag kainan.
Nasa kabilang bahay na kasi ang mga katulong namin kaya ako ang tagahanda ng pagkain namin dito sa bahay.
"Anong ulam Live?" Sulpot ni Mae sa may pintuan ng dining room.
BINABASA MO ANG
The Mafia Clan (Under Revision)
Mystery / ThrillerMegan Vermudez, also known as Black Emerald, the next in line who will take over the position of the Big Boss of the Black Dragon Mafia Clan. A cold type girl, minsan naman ay sarcastic, tahimik, maarte o kaya talaga ay bipolar na tao, At higit sa...