Chapter 9

183 2 0
                                    

"Kilalanin mo muna kung sino ang binabangga mo. Baka sa huli, hindi mo alam, kaharap mo na ang kalaban mo."

Clarks's POV

"Imbestigador ka ba?"  Bigla akong natigil sa tanong nya. Nanahimik ako sandali.

"Sorry sir ha. Pero parang napapansin ko lang po."

"Hi-hindi naman." Medyo hiyang sabi ko.

"Sige sir. May gagawin pa po ako. Salamat po sa bayad." At umalis na yung lalaki. Umiling na lang ako. Makabalik na nga sa school.

*****KRRRIIIINNNGGGG !!!!*****

Joseph Calling....

"Napata--"


"Pare, may trouble dito sa block 6. Andito rin ang insan mo. Pumunta ka na dito.... Hoy! sandali lang.... Pare b--"


"Sige sige. Papunta na ako dyan." At binabaan ko na.

'Shit! Ano nanaman kasi ang ginawa nila. '

---DC Warehouse block 6

"Teka, andyan si boss.!" Malayo pa lang naririnig ko na si Acer na sumisigaw.

'Sino nanaman kaya kasi kalaban nila?'

"Pare, ang insan mo." Natatarantang sabi sa akin naman ni Joseph.


"Nasaan sya? Sino nanaman kasi ang kalaban nyo?" Inis na tanong ko.


"Mga bagong gangsters ata. Hi-hindi ko alam!." Napatigil ako sa paglakad.

The Mafia Clan (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon