Chapter 19

118 3 0
                                    

"Hindi mo alam kung ano ang totoo sa pagkatao ko."

Megan's POV

Tahimik lang ang biyahe namin dahil sa tulog na si Mae at Ravin. Tanging ako at si kuya na lang ang gising. Kinuha ko ang laptop ko at still nagsascan parin yung number na tinetrace ko.

'Bakit ba ang tagal?'

"Bakit nakasimangot ka? Is there's something wrong Princess?" Malambing na tanong ni kuya at ako naman ay napalingon sa kanya.

"Wala. Don't mind me." Sagot ko sa kanya at binalik ko ang tingin ko sa laptop.

'Useless -__-'

Kinancel ko na lang ang research ko at inoff ko na lang ang laptop ko.

"Nga pala Megz, pansin ko lang, bakit hindi mo suot yung singsing mo?" Tiningnan ko ang mga daliri ko saglit at dumungaw sa labas ng bintana.

"Ayokong suotin. Hindi ko naman siya kadikit para suotin yun."

"Megz, One year na kayo remember?"

'Tsss.'

"One year na walang text, call, o kaya naman ay video call or chat lang naman. What's the use of it kung susuotin ko yun. Mabuti na rin yun. Walang makulit na nakabuntot sa akin."

"Eh paano kung babalik siya ng hindi mo inaasahan?"

"Di bumalik siya hangga't gusto nya."

"Hahaha. Talaga lang ha. Saan mo ba kasi nilagay ang singsing mo?"

"Nasa bag. Sa dating pinaglagyan."

"Ingatan mo yun. Baka sisingilin ka niya kapag bumalik siya." Hinahong paalala sa akin ni kuya. Hindi na lang ako nagsalita ulit at sinandal ko ang ulo ko sa bintana.

'Sa totoo lang, namiss na nga kita. Kailan ka babalik dito sa Pinas? Isang taon na simulang umuwi ako dito, hindi mo lang naman ako sinundan.'

The Mafia Clan (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon