Chapter 26. 1: The Gangster and Mafia Side

90 1 0
                                    

"I am the boss of all bosses. Killers of all killers and gangster of all gangsters."

Megan's POV

"I shot someone." Sagot ko sa kanya at natigilan naman siya.

"What? B-but how?"

"Nung inutusan kitang lumabas, naramadaman ko ng may nakatutok nang baril sa atin kaya pinalabas kita." Paliwanag ko sa kanya pero ang ekspresyon ng mukha niya ay parang hindi makapaniwala.

"S-sana sinabi mo sa akin. Paano kung ikaw nadali?"

"Tama na 'yan. Tawagan mo na siya bago pa makita ng mga studyanteng aakyat at makita ang bangkay ng tao doon mamaya." Utos ko sa kanya at siya naman ay dali-daling nilabas ang cellphone niya at tinawagan si Mark. Bigla ko namang naalala yung sinabi ko kanina na hindi na magkakaroon ng blood war.

'Alam ko na walang blood war na magaganap dahil sa narinig ko si papa at tito na nag-uusap bago ako umalis ng mansion noon.'

Hindi ko alam pero, masama ang kutob ko. 'Bakit si Jayden ang target nila? Unknown naman kaming lahat pero, bakit mayroong gustong pumatay sa kanya?'

Lumingon ako kay Jayden na nakatayo malapit sa bintana na nakatanaw sa kabilang building habang hawak niya ang cellphone niya na nasa tenga. Ang ekspresyon ng mukha niya ay parang naguguluhan at parang natataranta. Napansin ko lang....

'May nakaengkwentro na ba siya?'

Clark' s POV

"Carl, may napapansin ka bang kakaiba kung magkasama si Megan at ang bestfriend niyang si Jayden?" Bigla kong tanong kay Carl na naghahanap ng pagkain sa ref namin.

"Ano nanaman yang imahinasyon mo pre? Normal magkukwentuhan kung ano ang mga nangyayari sa buhay nila. Parang tayo lang---"

"Na gumagawa ng plano." Putol ko sa kanya at napatigil naman siya. Para siyang napaisip sa sinabi ko.

'Maaaring ganun 'yun Carl.'

"Ganun agad? Hindi ba pwedeng, buhay-buhay lang?" Pangbabara sa akin ni Carl kaya bigla naman akong napalingon sa kanya at pinandilatan ng mata.

The Mafia Clan (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon