Chapter 26. 2: The Gangster and Mafia Side

75 2 0
                                    

"Mahirap magdesisyon kapag trabaho mo na ang pinag-uusapan. At ang trabahong 'yun ay ang pumatay ng tao. 'Yun lang."

Jayden's POV

"Shoot him." Sabi ko sa kanya at bigla naman siyang tumawa.

"Ako? Teka lang naman ha. Bakit ko naman gagawin 'yun?" Matawang sagot ni Megan at ako naman ay napataas lang ng kilay.

'Kanina tinatanong niya kung ano ang gusto naming gawin niya. Ngayon, kinukwestyon niya naman kung bakit niya gagawin 'yun. Ang gulo minsan kausap nitong babaeng 'to.'

-__-"

Umiling-iling na lang ako at sineryoso ang mukha. Napatigil naman siya sa paghagikhik at binlangko niya ang ekspresyon ng mukha niya. Tinabi niya ang binigay ko sa kanyang folder at sinuksuk niya naman ang baril niya sa ilalim ng unan niya at humiga na.

"Hindi naman ako ang may gusto niyan. Si Big boss naman. Megan, sinusubok ka nila kung hanggang saan ba talaga ang kaya mo. Ngayon, si Mr. Kasaki Ushimeru ay isa sa mga cliente natin na walang isang salita. Matagal niya na tayong tinatraydor." Paliwanag ko sa kanya at lumingon naman siya sa akin.

"Sinabi ko na sa inyo noon pa. Hindi ako papatay ng taong ng walang sapat na dahilan. Ngayon, kung 'yan lang dahilan niyo para sabihin niyong patayin ko siya ng agad-agad, bakit hindi niyo na lang tanggalin sa listahan ng black clients natin para walang problema. Hay--"

"Hindi basta-basta ganun Megan." Putol ko sa kanya at bigla naman siyang tumahimik. Still, nakahiga parin siya at nakadungaw sa labas.

'Dahil may mga sekreto tayong alam niya.'

"Sige, bigyan niyo ako ng mabigat na dahilan para naman may dahilan ako kung bakit ko siya papatayin."

Tumahimik ako bigla at napa-isip. 'Dapat ko nga bang sabihin sa kanya?'

"Mayroon siyang alam sa atin na pwede niyang ibigay sa kabilang kompanya." Sagot ko at narinig ko na lang na nagbuntong hininga siya. Sandaling katahimikan lang ang nangyari. Babasagin ko na sana pero nauhan niya pa ako.

"Does he know my name?" Seryosong tanong niya at parang naliwanagan naman ako sa tanong niya.

'Huwag mong sabihing...'

Megan's POV

The Mafia Clan (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon