Chapter 24

94 0 0
                                    

"Kung sa tingin mo ay talagang kilala mo na ako, pwes, nagkakamali ka. You don't know who truly I am."

Megan's POV

"Oh, it is a surprise. Hahaha!" Statement at hindi siya question.

'Whatever.'

"Megan." Bulong sa akin ni kuya.

"Nani?"

(Translation: Nani: What?)

Sandaling natigilan si kuya at napaisip ng saglit. Umiling-iling siya at lumapit siya ng konti sa mukha ko. 

" Ah, Nothing. Nevermind na lang pala. Hehe." Sagot niya at uminom siya ng juice.

'Nice. Magtaguan tayo ng sekreto? Ganun?'

Nagkibit balikat na lang ako at ininom ko na rin ang juice ko.

Napansin ko lang na nandito rin pala si Garcia. Naramdaman kong nakatingin sa akin si Garcia kaya sumulyap ako saglit sa kanya. Agad niya namang iniwas ang tingin niya at binaling ito sa labas ng resto.

"It's time na po siguro Chairman na umuwi para makapagpahinga na po kayo." Sabi ni Daddy kay tanda at tumango tango naman siya.

"Tara na po lolo. Kayo Megz? Hindi pa ba kayo aalis?" Tanong naman ni Mae sa amin kaya napalingon ako kay kuya.

"Ah, sabay na tayong lumabas dahil sa may gagawin pa ako sa opisina. Megz?" Baling sa akin ni kuya at tumango  naman ako. Tumayo na kaming lahat at sumulyap ako saglit ulit sa kinauupuan ni Garcia. Nakita kong nakasunod ang tingin niya sa akin at inirapan ko na lang siya.

'Makatingin naman akala mo matutunaw ako. Tssss.'

Palabas na kami ng resto ng bigla akong nakaramdam na maiihi na ako. Kinulbit ko si kuya at lumingon naman siya sa akin.

"Kuya, sandali. CR lang ako."

Clark's POV

"Chairman?"

The Mafia Clan (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon