Chapter 10

167 1 0
                                    

"Sa tagal ng panahon na hindi kami nagkita, hindi niya alam na malaki na ang pinagbago ko."

Megan's POV 

"Bes! Morning!" Bati sa akin ni Mae. Nasa garden ako as usual.

"Mmmm. Coffee?" alok ko sa kanya habang nagstistir ako ng kape.

"Hmmm. Manang, paki timpla po ako ng kape. Epresso will be great!." Sabi nya kay manang na nasa may pintuan na nakabantay.

"Opo, Young Lady Maegan." At nag bow si manang.

"Naku po manang, Mae nalang po. Hindi po ako sanay tawagin na senyora. Hindi tulad niya." Ngiting sabi ni Mae sabay turo sa akin.

"Sus, kayo naman po. Eh, ganun rin ang sabi sa akin ni Young Lady Megan. Megz nalang daw ang itatawag ko dahil hindi nga naman daw sya sanay. Sige po, ipagpaumanhin nyo po. Magtitimpla po muna ako ng kape mo." At umalis narin si manang na umiiling.

 -___-

'Pati pa naman yan kailangan pang pag-usapan? Tsss.'

"Hindi raw sanay."

"She insist to call me that okay? Hindi ko naman siya pinilit na tawagin akong young lady o what so ever." Sagot ko at sumandal na ako sa kinauupuan ko.

Si Mae naman ay umupo narin sa harapan ko at kumuha ng magazine.

"Hmmm, As you say so."

Tahimik lang kaming dalawa na nakaupo at ako naman ay pinaglalaruan ko lang ang kape ko na nasa harapan ko. Maya-maya lang ay lumabas na si manag dala-dala ang kape ni Mae.

"Young Lady, heto na po ang kape nyo." Sabay abot ni manang ng kape sa kanya. Binaba ni Mae ang binanasa nyang magazine at ngumiti kay manang.

"Si manang talaga. Sabi nang Mae ang itawag. Sige po, salamat sa kape." At umalis narin si manang. Ininom ko na ang kape ko at tumayo.

"Bilisan mong magkape at aalis tayo."

The Mafia Clan (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon