Chapter 21

102 1 0
                                    

"Mahirap man iwan, pero, patuloy parin itong bumabalik sa iyo kahit ayaw mo na."

Megan's POV

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Kinancel ang klase namin dahil sa may board meeting daw ang mga staff at BOD ng school at s'yempre, balita rin na dumating ang Chairman galing Japan. Chairman ang tawag nila dito pero sa amin, sa clan, President. Ang gulo noh? Pati nga buhay ko, magulo.

 "Girls, narinig niyo ba na may tryouts sa mga sports ngayon?" Tanong ni Jamie.

"Oo, nagpalista nga ako sa volleyball eh. Haha! Ikaw Alexa?" Masayang sabi ni Hannah habang nakarap si Hannah kay Alexa.

"Dinig ko, nangangailangan ng players ang basketball women division kaya nagpalista na rin ako."

 "Eh, pano ba yan? Nagpalista rin ako sa basketball women eh. Ikaw Megz? Anong sport ang sasalihan mo?" Tanong ni Jamie sa akin habang nagbabalat siya ng saging.

"Wala." Deretso at tipid kong sagot ko kay Jamie at hinigop ko na lang ang kape ko.

"Nge? Sa Volleyball ka na lang magpalista girl. Para may kasama ako! Sige na please." Makaawa ni Hannah sa akin habang si Jamie at Alexa naman ay nakatingin lang sa akin.

 'Tsss. Wala nga akong sasalihan, pinapinlit pa rin akong sumali sa sport na yan. -__-'

 "Tsk. Ayoko."

 "Si Megan naman oh! Ang daya."

 'Ayoko sa lahat ay ang pinipilit ako Hannah. Alam mo yun.'

 Tumahimik na lang si Hannah at tuloy pa rin sa pagkukwentuhan si Jamie at Alexa tungkol sa kung anu-anong bagay.

 "Whaaaaaa! Andyan na sina Clark!"

"Eh? Bakit Tatlo lang sila? Nasaan ang Louie ko?!!!"

 "Akin ka na lang Vincent!"

 "Ang hot talaga ni Carl! Kyaaaaa!"

The Mafia Clan (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon