"Ang sa akin, ay sa akin lamang. Huwag na huwag mo siyang pakikialaman kung ayaw mong umiwi ng iyakan. Tandaan mo yan."
Megan's POV
"Ms. Ciazon!"
Lahat napatahimik dahil sa narinig naming sigaw mula sa labas. Nakita ko si Alexa na tumingin sa akin kaya tumayo ako para silipin kung sino ang sumigaw.
Lumabas ako ng room namin at may nakita akong isang babae na nakikipaghabulan sa mga bodyguard nya.
'Akala ko si Maegan. Sino naman kaya yang babaeng yan?'
Nanatili lang akong nakatayo sa labas ng classroom namin at nakita kong tumatakbo papalapit sa akin ang babae.
"Bes! Tulungan mo ako." Bigla na lang kumunot ang noo ko at narealize ko na si Maegan nga pala ang kaharap ko.
Hinablot ko si Mae at tinago siya sa likod ng pintuan namin. Nakatingin lang sa akin ang mga kaklase ko. Sumandal ako sa pintuan at sinuksuk ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ko.
BINABASA MO ANG
The Mafia Clan (Under Revision)
Misterio / SuspensoMegan Vermudez, also known as Black Emerald, the next in line who will take over the position of the Big Boss of the Black Dragon Mafia Clan. A cold type girl, minsan naman ay sarcastic, tahimik, maarte o kaya talaga ay bipolar na tao, At higit sa...