Chapter 20

105 1 0
                                    

''May iba't ibang katangian at kakayahan ang meron tayo. Hindi lahat magaling pagdating sa isang laro.''

Megan's POV

Ginawa kong wallpaper ang family picture namin at humiga ako sa kama. Hindi ko inoff ang laptop dahil sa nagsascan ako ng mga files na ipepresent ko sa company sa friday.

Nakatitig lang ako sa kisame at wari'y nagbibilang ako para lang madali akong makatulog. Naramdaman kong may tao sa labas ng pinto ko kaya umayos ako ng higa.

"Megan? Still awake?" Tinig ng isang babae na pumasok sa kwarto. Nakapikit lang ako at pinakiramdaman ko kung lalapit ba sya o hindi.

"Megan?" Tawag niya ulit at naramdaman kong papalapit siya sa higaan ko.

"Sanshiro.(Sigh) It's been five years. Kailan pa kaya kita makakausap?" Inayos niya ang pagkakakumot sa akin. Tinap niya ang balikat ko.

"Talagang mahal mo si Tanya. Siguro, kung binigyan niya ako ng pagkakataon na kunin ka bago siya namatay, hindi mo ako kamumuhian ng ganito. Siguro, mas naalagaan pa kita." Nagbuntong hininga siya at naramdaman kong humiga siya sa braso ko.

"Sana, ako na lang si Tanya. Hindi ko maiwasang mainggit sa kanya. Alam mo Meg, nung nalaman kong namatay sya, parang natuwa ang puso ko dahil sa, mapupunta ka ulit sa akin. Pero, nagkamali ako. Mas kinamuhian mo ako ng nalaman mong ako ang tunay mong mama. Naaalala ko tuloy yung huling sabi mo sa akin bago ka umalis ng bahay. 'Wala na akong mama! Patay na siya! At siya lang ang tangi kong mama na nagpahalaga sa akin. Siya lang ang love ko!' At tinaboy mo na ako. Pero kahit ganun ang ginawa mo sa akin, hindi ko parin nagawang magalit dahil sa naiintindihan kong hindi mo ako agad na matatanggap. Kahit na tumira ka dito ng panandalian sa bahay, naging masaya parin ako. Hindi mo nga lang ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag dahil sa ayaw mo dito at hindi lang man kita nakasama ng isang taon dito sa mansion. Kailan mo kaya ako matatanggap?"

'Hindi talaga kita matatanggap kahit kailan.'

"Namiss kita anak. Walang araw na hindi kita iniisip. Hindi ako mapakali nung nalaman kong nabaril ka at may sumusunod sayo na mga gangsters kahit na alam ko naman na, kilala mo sila. Araw-araw kinakabahan ako sa mga nangyayari sayo. Nung nangangailangan ka ng ina na magpapayo sayo, hindi mo lang man ako nilapitan. Si Oliver lang tangi mong nilalapitan dahil alam mong siya lang makakaintindi sayo."

'Hindi talaga kita kailangan. Kahit na masaktan ako ng iba.'

"Pero, hindi parin ako susuko. Hindi ako titigil na suyuin ka para lang mapalapit ka sa akin. Naghihintay lang kami ng Daddy mo." Hinalikan niya ako sa noo at naramdaman kong tumayo na siya.

The Mafia Clan (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon