Chapter 17

122 1 0
                                    

"Ang tunay na kalaban, nag-iisip muna ng isa pang set ng plano ng sa ganun, ano man ang mangyari, may option pa siya."

Clark's POV

"Bakit pa kasi siya ang napili mong pagtripan?" Tanong ng isang husky na boses lalaki.

"Dahil-- teka, sino ka?" Nakita ko siya na nakasandal sa isang puno malapit sa sasakyan ko.

"Ah, ako ba? Ako si---" Biglang naputol ang sasabihin niya ng may tumatawag sa kanya.

"Sir! Nakaalis na po ang younglady kasama ang kapatid niya. Nakita ko kasing tumatak bo sila papuntang parking lot kanina." Sabi ng lalaki na papalapit sa kanya.

"Ganun ba? Sa tingin ko, siya na yung nakita ko kanina. Ang bilis ng patakbo eh. Hahaha! Cge Mark. Salamat. H'wag mo pala ipaalala sa iba na--"

"Yes sir. Aalis na po ako. Eto pala susi ng sasakyan." At umalis na yung lalaking tumawag sa kanya ng sir pero bigla niya itong hinawakan sa braso.

"Sabay na tayo umuwi. Baka magtaka nanaman si Dad kung bakit hindi tayo magkasama. Nga pala," Putol niya at lumapit sa akin at tinapik niya ang balikat ko.

"Aalis na ako. Paalala lang, tantanan mo na ang pagtitrip mo kay Megan kung ayaw mong mabugbug ng Fiance' niya." At nagsmirk siya. Tumalikod na siya paalis kasama ang yung lalaki.

'M-may fiance si V-vermudez?'

Megan's POV

The Mafia Clan (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon