"Hindi ko maiwasang maisip na, ako pala ang dahilan kung bakit siya naghirap noon."
Megan's POV
Moooorniiiiing Suuuuundddddaaay!!
"Morning Sunshine" at ngumiti ako. Hindi muna ako bumangon dahil sa tamad ako.
'Thank you Lord for this day. May my day full of joy.'
Bumangon na ako para makapagshower.
Time check: 6:45 a.m.
'Maaga pa pa pala.Tsss.'
Nagshower na ako at nag-ayos na ng mga gamit ko sa kwarto. Habang nag-aayos ako, may bigla akong naalala kahapon.
'Nagkaboyfriend ka na ba?'
'Nagkaboyfriend ka na ba?'
'Tssss.'
Umiling iling nalang ako at tumayo na.
'Kung sinagot ko sya ng 'oo' si Mae, sigurado naman akong kukulitin nya naman ako kung sino. Hayy naku.'
"Magandang umaga po se--"
"Megan manang. Me-gan. Paulit-ulit nalang tayo nyan manang eh."
"Ah, pasensya na iha. Respeto lang yung akin. Hehehe sige na nga, suko na ako sayo. Me-Megan." Sabi ni manang sa akin habang nakayuko.
"Manang, wala ho tayo sa mansion. At isa pa, hindi talaga ako sanay na tinatawagan nyo ako ng senyora. Tsss. Si Maegan po?" Nilibot ko ang buong paligid pero para wala akong naririnig na maingay.
'Nagsunday Mass ata sila? Ba't hindi lang man ako niyaya?'
"Ah si ma'am Maegan po ay maaga po talagang nagising at pumunta ng mansion para kunin raw po lahat ng gamit nya."
BINABASA MO ANG
The Mafia Clan (Under Revision)
Misterio / SuspensoMegan Vermudez, also known as Black Emerald, the next in line who will take over the position of the Big Boss of the Black Dragon Mafia Clan. A cold type girl, minsan naman ay sarcastic, tahimik, maarte o kaya talaga ay bipolar na tao, At higit sa...