Chapter 22

97 0 0
                                    

"Kung alam mong masasaktan ka sa gagawin mo, isipin mo muna ang magiging kalabasan bago mo ituloy ang binabalak mo."

Clark's POV

'Wala nang tao dito?'

"Wala na? Tapos na agad ang tryout?"

"Ang bilis ata?"

Talagang walang tao dito sa gym nang dumating kami ni Carl.

"Ang sabi kasi ni Vince, ngayon raw ang tryout. Ba't walang tao?"

"Pare, papasok daw si Megan sa basketball?"  Rinig kong sabi ng isang lalaki sa dumaan sa amin ni Carl.

"Hahaha! Ni hindi nya nga alam na may naglista sa kanya sa tryout."

"Excited na talaga ako sa College Sports Fest natin! Hahaha nagkamali ata ng lista ang naglista kay Megan!"

"Oo nga dude. Kibermo, mukhang hinahamon ata sya nung taong yun!"

"Para naman kayong bago. Ganun din yung nangyari sa kanya nung nasa Villarama High pa tayo ah! Hahaha"

"Basta pare. Manood ka na lang."

'A-anong nangyayari sa kanila?'

"Hoy! Okey ka lang?"

"A-anong sinasabi nila?"

"Sus, naniwala ka naman. Tingnan na lang natin ang list of players  sa bulletin para malaman natin kung anyare sa plano mo."

'H-hindi ko kasi maintindihan ang mga sinasabi nila.'

"Hoy! Tara na." Kalabit sa akin ni Carl at lumabas na kami ng gym.

Papunta na kami sa main bulletin board at malayo pa lang kami ay marami nang nagkukumpulan na mga studyante doon. Nakita ko si Louie na nakatayo sa harap ng bulletin at nakakunot ang noo niya. Lumapit kami sa kanya at tinapik ko siya sa balikat.

The Mafia Clan (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon