Chapter 27

80 3 0
                                    

"Kung kaya mo, gagawin mo ang lahat. Maipakita lang na hindi ka talunan at hindi ka nagmamayabang."

Megan's POV

Magsisimula na ang laro ng bigla kong nakita si Sander na nakasandal sa ilalim ng ring at hawak hawak ang isang libro sa kanang kamay niya. Nakatingin siya sa direksyon ko na may halong lungkot at pag-alala ang mga mata niya. Lumingon ako kay Garcia na siya namang excited na maglaro at hindi alam kung ano ang magiging kalalabasan nito pagnatapos na kami.

Marami masyadong tao dito sa gym at napakaingay. Umiling-iling na lang ako at lumapit kay Garcia na dala-dala ang bola. Binato ko sa kanya ang bola at nasalo niya naman. Tumigil ako sa paglalakad at bigla rin namang tumahimik ang paligid.

"Isang laro lang ang gagawin nating dalawa." Panimula ko sa kanya at humarap ako sa ring.

"Limang minuto. 3-point shot ang gagawin natin sa loob ng limang minuto. Ang sinumang mataas ang puntos sa ating dalawa," Putol ko at tumalikod na sa kanya.

"Ay siyang panalo." Sabi ko at naglakad na.

"Limang minuto ng walang tigil?" Tanong niya na parang biglang kinabahan sa tono ng pananalita niya. Huminto ako at tiningnan si Alexa.

"Walang tigil. Mag-uumpisa lang ang oras kapag tumira ka na. Take your time at ikaw ang mauuna." Sabi ko naglakad na ako papunta sa bench. Biglang naghiyawan naman ang mga studyante hudyat ng pagsisimula ng laro.

'Tingnan natin kung makakatagal ka dyan Garcia.'

'Mananalo man ako o matatalo, hindi ko na rin maalis ang pangalan ko sa listahan na yun dahil kay papa.'

Nakita kong tumitira na si Garcia ng sunod-sunod sa iisang posisyon lang.

'Ganyang posisyon ang gusto kong makita sa'yo Garcia. Paginiba mo na ang posisyon mo at maling posisyon pa, sigurado na sunod-sunod na rin ang kamalasan mo.'

"Talagang yan pa ang strategy mo na paghahamon sa kanya huh. Parang sisiw lang naman yan sa kanya."

"Ganun ba?"

"Oo dahil expert nga siya gaya ng sabi ko sayo kanina lang. Ni wala ka namang alam sa basketball Vermudez." Sagot niya sa akin pero nagsmirk lang ako.

'Dalawang minuto pa lang pero umiba na ang posiyon niya.'

The Mafia Clan (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon