Chapter 12

133 0 0
                                    

"Ayaw ko nang balikan pa kung ano ang nakaraan. Pero, kapag naiisip ko siya, naiisip ko na rin na, sana maulit ang mga panahong nagdaan kung saan maraming bagay na naisatuparan."

Megan's POV

"Bes! Pwedeng magtanong?"

"Hmmm. Ano yun?" Nandito na kami sa restaurant na kung saan madalas kaming kumakain ng kapatid ko.

"Nagkaboyfriend ka na ba?" Tanong niya at napatigil nan ako sa pagnguya.

Tiningnan ko sina kuya na natigilan din at ganun din si Jayden.

Kaming apat, at si papa lang ang nakakaalam sa totoong nangyari sa akin from the past two years.

"Wala." Tipid kong sagot at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko. Tiningnan pa ako nila kuya at nagpatuloy narin sila.

'Hindi pa ito ang panahon para sabihin ko sayo ang lahat Mae.'

"Oh? Ganun? May nakita akong gwapo kanina sa receptionist area. I think, bagay kayo."

'Si Garcia ba ang tinutukoy niya?'

"Tsss."

"Ha? You mean si Clark Garcia ba yun? Hahaha no, no, no" Tawang sabi ni Ravin at pinandilatan ko naman sya ng mata dahilan para matigilan siya sa pagtawa.

"Ah, Clark Garcia pala ang name nya? Nice ha."

"Nice ka dyan. Sama-sama ng ugali. Tsk." Bulong ko at sinubo ko na ang huling kutsara ng pagkain ko.

"May sinasabi ka bes?"

"Wala. Ang sabi ko, bilisan niyo ng kumain dyan." sagot ko sa kanya at ngumiti.

- - - - -

"Sama ako sa iyo bukas sa school nyo." Sabi ni Mae sa akin na nakatungo lang.

"Bakit? Napag-isipan mo bang magpaenroll ngayong semester?" Tanong ko sa kanya at binaling ko nalang ang tingin ko sa laptop.

The Mafia Clan (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon