Prologue ♥ Little Superman

194 4 3
                                    

PROLOGUE ♥  Little Superman

Nasa playground ako ngayon. Patuloy lang akong umiiyak sa kinauupuan kong swing habang iginagala ko ang paningin sa paligid ko. Masyadong malaki ang picnic park para mahanap ko sina Mama at Papa. Kasalanan ko kung bakit napalayo ako sa kanila. Hindi kasi ako nakinig kay Mama. Ang sabi niya ay huwag akong lumayo. Kaya lang kasi, nakakatuwa iyong malaking mascot na nakita ko kanina. Sinundan ko iyon hanggang sa hindi ko na alam kung nasaan na ako.

           

        Gusto kong umalis sa playground para hanapin sila Mama at Papa kaya lang ay natatakot ako na baka lalo akong maligaw. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natatakot ako na hindi ko makita sina Mama.

           

     Pinagsiklop ko ang mga kamay ko at mariing pumikit. Ang sabi sa akin ni Mama, kapag natatakot daw ako ay lagi lang daw akong mag-pray kay God kasi love daw niya ang mga batang tulad ko. Alam kong may guardian angel siyang binigay sa akin para bantayan ako.

           

     “Papa Jesus,” sabi ko habang nakapikit. “Promise ko po sa inyo makikinig na ako kina Mama at Papa. Hindi na po ako magiging pasaway. Sorry po Papa Jesus kung naging makulit na bata ako ngayon. Sana po makita ko na sina Mama. Takot na takot na po ako. Sabihan niyo po iyong guardian angel ko na tulungan akong mahanap sila. Iyon lang po Papa Jesus. Amen.”

           

     Napadilat ako nang marinig kong may tumatakbo papalapit sa akin. Nakita ko ang isang Naka-bagpack na batang lalaki na lumapit sa pwesto ko at umupo sa kabilang swing. Hindi niya ako pinansin at malakas na dinuyan lang niya ang sarili sa swing. Tumatawa pa nga siya at sumisigaw habang naglalaro doon. Sinundan ko lang ng tingin ang pagduyan ng swing hanggang sa tumingin iyong batang lalaki sa akin. Inihinto niya ang pagduyan ng swing at tumingin ulit sa akin. Nagsalita siya pero hindi ko naman maintindinhan iyong salita niya. Parang chinese na hindi. Hindi na ako nagsalita kasi hindi ko naman siya naiintindihan. Tiningnan ko lang siya.

              

         Nakita kong kumamot siya ng ulo niya. Tapos nagsalita ulit siya. English naman ngayon. Kaya lang, iyong ‘crying’ lang iyong naintindihan ko sa sinabi niya kasi ang bilis-bilis niyang mag-english. Grade two pa lang ako at nagpapraktis pa lang kami na mag-english sa school. Hindi pa ako marunong.

           

     Umiling ako sa kanya at sumimangot. “Salita ka ng salita diyan, bata. Hindi ko naman naiintindihan iyong sinasabi mo.”

           

          Kumunot ang noo niya saglit tapos nagsalita ulit. “U-umi… Ahm, umiiyak ba?”

           

       “Umiiyak ba ako?” tanong ko kasi parang nahihirapan siyang magtagalog. Kulang-kulang pa ang mga salita niya.

            

         Tumango siya. “Yeah, that’s it. Sorry for my words. I’m not still good in speaking Tagalog. I can only understand but just a little.”

          

      Nag-english na naman siya. Iyong “tagalog” at “sorry” lang naman iyong naintindihan ko. Tumango na lang ako. Siya naman ay bumaba sa swing at lumapit sa akin. Tumayo siya sa harapan ko.

Kissing Mr. Wrong (Jiggzer Band Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon