Chapter 9 ♥ Meet the Arrogant Mr. Wrong
(Hang-Yun University)
Out of place.
Iyon ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin sa labas ng tinted na bintana ng limousine. Mula roon ay nakikita ko ang mga studyanteng naglalakad na sa kilos at galaw pa lang ay mahahalata mo na agad ang mataas na katayuan nila sa buhay.
Kahit saan ko ilingon ang mga mata ko ay sadyang namamangha ako sa lahat ng bagay na nakikita ko. Mula sa perpektong landscape ng lugar hanggang sa matataas na mga building. Napakaganda ng buong lugar. Kahit nasa loob pa ako ng sasakyan ay damang-dama ko ang napaka-intimidating na aura ng buong lugar. Kahit sino ay siguradong gugustuhing mag-aral sa pinakapamosong unibersidad na ito. The whole place spokes of wealth, luxury, authority and power that seems like telling me that I am obviously different and not welcome. Parang hindi ko yata kakayanin na tumapak man lang rito. Sa huling pagkakataon, parang gusto kong umuwi na lang ng bahay. Mas masarap pang kumain ng pipino kaysa manatili sa lugar na ito. The feeling that you’re not belong in a place like this is really suffocating.
Huminto ang limousine at mula sa driver seat ay nakita kong umibis ng sasakyan si Mr. Kim upang pagbuksan ako ng pinto. Huminga ako ng malalim at kinuha ang bag sa tabi ko. Isinukbit ko iyon sa likuran ko at saka lumabas ng sasakyan. I feel the sudden awkwardness as my feet reaches the ground.
“Ayos lang po ba kayo, Miss Zia? Gusto niyo po bang ihatid ko kayo?” Nilingon ko si Mr. Kim. As he usually does, his head is slightly bent and he’s not looking at me as he speaks.
“Hindi na po kailangan, Mr. Kim. Kaya ko naman po ang sarili ko. At isa pa…” Inilabas ko sa bag ko ang mapa ng buong Hang-Yun University. “May dala naman po akong school map. Huwag po kayong mag-alala.”
Hindi ko alam kung may sense pa ang paglabas ko ng mapa para ipakita sa kanya dahil nakayuko naman siya.
“Kung gayon po ay maiiwan ko na kayo. Mag-iingat po kayo at sana’y maging maganda ang araw niyo, Miss Zia.”
Sana nga. “Salamat po, Mr. Kim. Mag-iingat rin ho kayo.”
He bows his head bilang pamamaalam at sumakay na sa loob ng limousine. Sinundan ko na lang ng tingin ang pag-alis ng sasakyan hanggang sa mawala na iyon sa paningin ko. I sigh and look at the map in my hands. Mas madali sana kung kasama ko si Borj ngayon. Ang kaso ay pang-afternoon schedule pa ang pasok niya ngayon. Sa ganitong pagkakataon lalo na sa ganito kalaking lugar, kahit na may dala akong mapa ay hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko ang sense of direction ko. That is my other problem now. Kung may One Direction, ako naman ay certified member ng No Direction.
Tiningan ko ang suot kong uniporme. Naiilang talaga ako magsuot ng ganitong klase ng uniform. It is a paired of long sleeve white coat with just two gray buttons at the lower part and a dark gray skirt that extends two-inches up to my knee. Sa panloob naman ng white coat ay isang dark gray collared shirt na may itim na necktie.
BINABASA MO ANG
Kissing Mr. Wrong (Jiggzer Band Series 1)
Roman pour AdolescentsShe was searching for MR.RIGHT. But, what she found was MR.WRONG. Who should be the best man for her? Is it her dream guy? Or is it what her heart secretly dreaming of? -KISSING MR.WRONG (Jiggzer Band Series 1) by: HERSHEE MIN