Chapter 16 ♥ One Rainy Night (Part III)

134 2 0
                                    

AUTHOR’s NOTE

Dear Minions,

Alam ko na pagkatapos niyong mabasa ang One Rainy Night Part II ay siguradong bitin na naman kayo at magsasabi niyo na lang na—ANO BA ‘TO HERSHEE MIN?! BITIN NA NAMAN ANG CHAPTER MO! KUKUTUSAN NA TALAGA KITA D’YAN, EH!—pero syempre gawa-gawa lang ng utak ko ang linyang ‘yan. Hahaha.

Sa sobrang saya ko sa pagsusulat ng PART II, napansin kong sobrang haba na niya pero hindi pa siya ang kabuuan ng naisip kong buong daloy ng ONE RAINY NIGHT. Kaya ayun. Nais kong ipagkalat ang mabuting balita na may PART III pa siya. Hehe. Last na ‘to pramis!

Na-realized ko ang hirap palang magsulat ng dalawang sabay na kwento. Gumagawa ako ng ipapasa kong manuscript sa PHR tapos gumagawa rin ako ng update sa Wattpad. Kung makakapagreklamo lang ang mga nerve cells ko sa utak, baka matagal na nila akong itinakwil.

Pero kahit minsan ay sinasalanta ng matinding writer’s block ang utak ko, GO LANG! Mas masaya pa rin ang magsulat kaysa isipin ang crush ko buong araw. Achuchu. Hahaha.

Hope you enjoy reading the three chapters of ONE RAINY NIGHT like the way I enjoyed writing this. ^_^

N.P: Lovely Day by Park Shin Hye (One Rainy Night OST)

-HERSHEE MIN-

_____________________________

CHAPTER 16 ONE RAINY PART III

Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan habang hawak ang first-aid kit nang makita ko si Seiran mula sa sala. Nakaupo siya at nakasandal sa sofa habang tinitingnan ang family album namin. Nasa tabi naman nito ang himbing na himbing na aso kong si Milo na hindi ko alam kung ano ang ipinakain ni Seiran dahil halos kanina nga lang ay gusto na siyang lapain nito. Parang gusto ko na ngang isipin na effective rin sa mga hayop ang karisma niya.

        

        “Baka animalistic charm ang mas tamang itawag.” mahinang bulong ko sarili ko.

           

        Parehas na rin kaming nakapag-palit ng tuyong damit. Mabuti na lang at may personal na susi ako ng bahay kundi ay baka kung saan na kami pulutin ngayong gabi.

           

        Hindi muna ako kumilos para bumaba at lapitan siya. Mula sa kinatatayuan ko ay pinagmasdan ko lang muna si Seiran. Parang nag-iba ang aura niya habang suot ang oversized Minion jacket ko pati ang oversized gray ko ring jogging pants. Wala na kasi akong choice kanina kundi pahiramin siya ng damit ko dahil naka-lock ang closet ni Borj. Mabuti na lang at may mga oversized akong damit na ginagamit ko lang naman na pantulog kapag malamig ang panahon.

           

        Well, he looked like a handsome teenage boy with my clothes. And I don’t know why the heck it is, but I like to stare at him wearing my clothes. Walang talagang pangit sa kumag na ‘to. Meron pala. Sa ugali nga lang.

           

        Bigla akong napasimangot sa mga naisip ko. Napapansin ko, parang nagiging habit ko na ang titigan siya ng palihim at i-describe ang itsura niya sa isip ko. Ipinilig ko ang ulo ko. Napapraning na yata ako. Ito na yata ang epekto ni Martina sa akin. Ang tumulala at mag-daydreaming ng lalaki. Pambihira.

Kissing Mr. Wrong (Jiggzer Band Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon