Chapter 10 ♥ Round Two

152 2 0
                                    

AUTHOR’s NOTE:

I really appreciate my awesome readers. I hope you’re with me till the last chapter of KISSING MR. WRONG.

If you like this story, just keep on READING. COMMENT your thoughts because words are love, you know. VOTE for chapter that catches your heart and SHARE just because it made you feel in love.

And yeah, SUPPORT-PROMOTE-SPREAD

LOVE the SEIRAN and ZIA story. ♥

The Hang-Yun University was inspired from the well-known Hanyang University in Seoul, South Korea, where Jang Geun Suk (also known in this story as Seiran) had graduated his college. (Trivia lang, hehe)

Kamsahamnida!

♫ N.P: Without Words- Jang Geun Suk & Park Shin Hye♫

-HERSHEE MIN-

_______________________

CHAPTER 10 ♥ Round Two

ZIA’s POV

(Ladies Room)

                

        Ilang beses pang kinuskos ko ng gamit na panyo ang puting coat na suot ko pero halata pa rin ang mantsa ng putik doon. And much worse is, lalo lamang iyong kumalat sa coat ko.

        Parang gusto ko ngang maiyak kapag naaalala ko kung gaano kaingat si Mama sa pagplantsa ng coat na ito, tapos ganito lang ang mangyayari. Dudumihan lang ng lalaking 'yon na walang habas kung mag-maneho.

                 

        “Peste talaga. Grr! Ang sarap kalmutin ng bwisit na lalaking 'yon!”

             

        Kasalukuyan akong nasa ladies room ngayon—kung ladies room ngang matatawag ito dahil sa sobrang laki—habang sinusumpa at pinapatay ko ng maraming beses sa isip ko ang lalaking salarin ng lahat ng kamalasan ko ngayong araw. Ang mas nakakainis pa, late na ako sa una kong subject dahil sa nangyari. At kapag hindi pa umayos ang itsura nitong coat ko, hindi ko alam kung makakapasok pa ako sa iba pang subject ng ganito ang itsura.

            

        “Nakakainis! Paano na ako nito?” Hindi ko pinansin ang tingin na ipinupukol sa akin ng mga babaeng kasama ko sa loob nitong ladies room. Sigurado akong alam ng mga ito ang eksena kanina dahil nakakarinig ako ng bulungan tungkol doon. I just take off my coat, pretending I didn’t hear anything from their big mouth.

              

        Itinapat ko sa sensored-faucet ang panyo ko para basain ulit. At mula sa malaking salamin ng counter sink ay napansin ko ang isang babae na nakatingin sa akin habang nag-aayos ng sarili. Unlike sa ibang mga babae na kasama ko dito sa loob ng ladies room, tahimik lang siya habang nakatitig sa akin. She’s just looking at me with an unreadable expression. Iniiwas ko na lang ang paningin nang makaramdam ako ng pagkailang.

            

        Napalingon ako sa pinto nang malakas na bumukas iyon. Tatlong babae ang pumasok mula roon. Inilibot nila ang paningin sa loob ng ladies room. Wala na sana akong planong pansinin ang grand entrance ng tatlong ito kung hindi ko lang napansin ang masasamang tingin na ibinibigay nila sa akin nang huminto ang mga mata nila mismo sa direksyon ko.

Kissing Mr. Wrong (Jiggzer Band Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon