Chapter 11 ♥ Me with the Devil

142 1 0
                                    

AUTHOR’s NOTE

         

One night, naubos ang tatlong oras ko sa harap ng computer ko nang hindi man lang ako nakapag-type even a single letter. It’s really frustrates the hell out of me when I’m having a writer’s block. And also a pain in my posterior. Hindi ko talaga masundan yung particular scene na iyon sa isang chapter dito. Then after three hours na nagtitigan lang kami ng computer ko, sumuko na ako. Badtrip na badtrip ako nang i-shut down ko yung computer at dumiretso sa kama para matulog na lang. Hindi na ako sanay na matulog na hindi nakakapagsulat kahit man lang kaunting part ng scene.

Pero ayun, kahit nakapikit na ako, gumagana pa rin ang utak ko sa pag-iisip ng mga magagandang scene hanggang sa makatulog na ako. And then, bigla na lang akong nagising. It was exactly 3:36 in the morning. Nakakatawa kasi napanaginipan ko si Jang Geun Suk at yung mismong scene na perfect sa chapter na iyon. I just decided to go back to sleep after that. But damn! My freaking mind is yelling me to write what’s playing inside my weird head. And in the end, I lose. Tumayo ako ng ganoong oras para magsulat lang. Funny right?

Well, duel against yourself? Geez. That’s the hardest battle I could get. I just think writers are entitled to be weird sometimes. Ho-ho.

Guys, I’ll appreciate it if you would leave your COMMENT here whenever you notice some plot holes or any part of the scene that is not appropriate. I want to know your point of view about this story. Thanks!

This note is getting longer. Sorry.           

-HERSHEE MIN-

_____________________________

CHAPTER 11 ♥ Me with the Devil

(Classroom)

       Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ko habang nakatingin sa labas ng salamin na dingding ng classroom. Doon ako pumuwesto nang pumasok ako kanina. Luckily, hindi pa naman ako late sa next subject ko nang ihatid ako ni Seiran. Ang ungas na iyon! Dahil sa inis ko sa kanya kanina ay naiwan ko pa tuloy sa kotse niya ang school map ko. Ang masaklap pa, nakaipit doon ang schedule card ng mga subjects ko. Ang schedule at room number lang ng subject ko ngayon ang natatandaan ko dahil iyon lang naman ang tiningnan ko kanina. Marahil nawala iyon sa isip ko at nahulog nang maghalungkat ako ng gamit sa bag ko kanina.

         

        Idinikit ko ang noo ko sa salamin at pasimpleng inuntog-untog ang sarili ko. “Hays! Bakit ba napakapalad mo ngayon, Zia? Kapag hindi mo nakita ang lalaking iyon, siguradong hindi ka na naman makakapasok sa susunod na subject.”

         

        Napabuga na lang ako ng hangin nang marinig ko na naman ang pinag-uusapan ng mga studyante na kasama ko ngayon. Iilan pa lang ang mga studyante sa classroom na ito pero simula nang pumasok ako hanggang sa mga sandaling ito ay ako pa rin ang laman ng bulong-bulungan nila. I just wish I could shut my ears so I couldn’t be able to hear their loud whispers. Great. I wonder kung lahat ng studyante sa Hang-Yun University ay ako ang pinag-uusapan. Hinihintay ko na nga lang kung kailan ako ipapatawag sa Guidance office or worst ay baka sa mismong opisina na ni Donya Beatrice ang bagsak ko.

            

        “Hello.”

          

Kissing Mr. Wrong (Jiggzer Band Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon