AUTHOR’s NOTE
Annyeong haseyo, Minions.☻
Sa wakas, natapos ko rin ang Chapter Twelve! Sa totoo lang, umabot halos ng isang buwan bago ko natapos ang chapter na iyon. Ewan ko ba. Nahirapan talaga ako sa part ng taekwondo class scene nila Seiran and Zia. Bukod sa kailangan kong mag-research about Taekwondo, nahirapan din ako kung paano ko ia-aaply iyon sa chapter na iyon.
Since Taekwondo is a well-known Korean martial art, kailangan kong pag-aralan ang bawat details para lang maging realistic ang mga eksena. Medyo napraning lang ako sa pag-intindi sa mga techniques. Marami ring cut at binagong scenes ang chapter na iyon dahil hindi ako makapag-isip ng magandang flow ng bawat scenes. Idagdag pa na start na ng OJT ko at simula na rin ng nakakamatay na Thesis. Bongga di ba? Pero kahit anong mangyari, kasama pa rin sa hectic schedules ko ang pagsusulat. I can’t stand a day without writing, you know. Mas mahal ko ang pagsusulat kaysa sa first love ko. Ho-ho. ^_^
Just keep on reading, Minions!
To Ruby Jean - Ya! Chin-gu! Nomu- pogo shi-po-sso-yo. [Hey Friend, I miss you so much.] Nakakamiss talaga makipag-kwentuhan sayo. Take care always.
Ya! Say Kimchi!
-HERSHEE MIN-
_______________________________
CHAPTER 13 ♥ What’s with the Kiss?
ZIA’s POV
KATATAPOS ko lang magpalit ng uniform sa locker room ngunit hindi pa rin ako tapos sa pagsisintir ko dahil sa nangyari sa Taekwondo class kanina. Mabuti na lang at walang tao sa hallway na nilalakaran ko ngayon kaya malaya kong naiilalabas ang inis ko sa kumag na Seiran na ‘yon.
“Walanghiyang lalaking ‘yon! Ang lakas ng loob niyang halikan ako! Haaaaa! Nakakainis! Makita ko lang talaga ang pagmumukha niya ngayon, siguradong kahit aso ay hindi makikipagpalit ng mukha sa kanya. Nakakaasar talaga! Ang sarap niyang tirisin ng maso.”
Naiinis na sinipa ko ang flower vase stand na nadaanan ko sa hallway. Ngunit nag-dive rin ako nang makitang tutumba ang stand ng flower vase na sinipa ko. Pikit-matang sinalo ko ang flower vase gamit ang dalawang kamay ko.
“Aray ko po…” Napangiwi agad ako nang tuluyan akong bumagsak sa sahig. Mukhang napalakas yata ang pagda-dive ko.
Ilang segundo akong nasa ganoong posisyon bago ko unti-unting iminulat ang mga mata ko. I sigh in so much relief nang makitang maayos pa ang vase. Dahan-dahan akong tumayo at maingat na ibinalik iyon sa dating pwesto.
“Ikaw. Ikaw na flower vase ka. Pambihira, muntikan pa akong atakihin sa puso dahil sayo. Siguradong habang-buhay akong mamumulubi kung nagkataong nabasag ka, alam mo ba ‘yon? Nagbibiro lang naman ako kanina, eh. Relax ka lang, okay?”
Tinapik-tapik ko ang flower vase habang palihim na tumitingin sa paligid. Ako lang ang tao sa hallway. Thank God walang nakakita sa akin. Nang masigurong maayos na ang vase sa pwesto nito ay tumalikod na ako at mabilis na naglakad palayo roon.
BINABASA MO ANG
Kissing Mr. Wrong (Jiggzer Band Series 1)
Novela JuvenilShe was searching for MR.RIGHT. But, what she found was MR.WRONG. Who should be the best man for her? Is it her dream guy? Or is it what her heart secretly dreaming of? -KISSING MR.WRONG (Jiggzer Band Series 1) by: HERSHEE MIN