AUTHOR’s NOTE
“Writing isn’t about making money, getting famous, getting dated, getting laid, or making friends. In the end, it’s about enriching the lives of those who will read your work, and enriching your own life, as well. It’s about getting up, getting well, and getting over. Getting happy, okay? Getting happy.” – Stephen King
Nakakawala talaga ng stress ang PAGSUSULAT- my only way to unwind from stressful days at school, OJT and Thesis.
Hey OLAF, I love warm hugs too. ^_^
Meron kayang stuff toy na OLAF? Gusto ko nun.
Hello RUBY JEAN… ibinibida na naman ba kita? Ha-ha…Ikaw no.1 supporter ko, eh. Alam kong lagi kang nabibitin sa kwento na ‘to pero kailangan talagang mabitin para exciting ang next part. Parang palabas lang ‘to sa T.V, may ABANGAN BUKAS. Kaya lang yung sakin, ABANGAN NG ILANG LINGGO pa. Ha-ha… Ini-edit ko rin ‘to ng matagal para lang hindi ka ma-disappoint sa kwento na ‘to. But I do hope na maganda ang impact sayo ng Kissing Mr. Wrong. At sana nai-enjoy mo ‘tong basahin katulad ng kung pa’no ko ‘to na-enjoy sulatin. UN lang.. Take care always^_^
N.P: Hello Goodbye By: Hyorin (My Love From the Star OST)
[August 25, 2014 – 2:06 AM]
-HERSHEE MIN-
_________________________________
CHAPTER 14 ♥ One Rainy Night (Part I)
ZIA’s POV
ISANG mahabang buntong-hininga ang ginawa ko nang makarating ako sa harap ng pinto ng private office ni Master Yoona. Akma ko na sanang hahawakan ang seradura nang biglang bumukas iyon. Isang matangkad at gwapong lalaki ang bumungad sa akin. Base sa itsura niya, naisip ko agad na isa siyang koreano. Singkit ang mga mata niya na typical sa mga koreano at nakadagdag pa iyon sa seryosong aura ng gwapong mukha niya. Bumagay rin sa kanya ang suot niyang itim na long-sleeve cotton shirt at itim na jeans na pinarisan ng itim na sneakers. Ang tipo ng lalaki na seryosong tingnan pero cool ang dating at talagang aabangan mo ang bawat pagngiti.
“Are you looking for Yoona?” tanong niya.
“Ah, opo.” Nakangiting sagot ko naman. “Nand’yan po ba siya?”
“Yes. She’s here.”
“Who’s there, honey?” Narinig kong tanong ni Master Yoona mula sa loob. Kung gano’n, siya pala ang fiancé ni Master.
The handsome guy looks over his shoulder. “There’s a beautiful girl here and she’s looking for you.” Bumalik ang tingin niya sa akin at saka niluwagan ang pagkakabukas sa pinto. “Come in.”
“Salamat po.” Pagkapasok ko sa loob ay agad na yumukod ako bilang pagbati nang makita ko si Master Yoona na lumabas ng C.R.
BINABASA MO ANG
Kissing Mr. Wrong (Jiggzer Band Series 1)
Teen FictionShe was searching for MR.RIGHT. But, what she found was MR.WRONG. Who should be the best man for her? Is it her dream guy? Or is it what her heart secretly dreaming of? -KISSING MR.WRONG (Jiggzer Band Series 1) by: HERSHEE MIN