CHAPTER 7 ♥ The Unexpected
(ZIA’s HOUSE)
It’s a beautiful Saturday morning. Alas-osto na ng umaga nang magising ako. Usually, kapag ganitong day-off ay late na ang talaga ang gising ko. Naging ritual ko na kasi ang mag-movie marathon ng mga Koreanovela CD’s kapag walang pasok sa Picka-Flower shop kinabukasan. It’s just my way of unwinding after a tiring week at work.
I walk through the window and open it. The cold summer breeze suddenly enters my room and wanders around. Pumikit ako at nakangiting nilanghap ang malamig at sariwang hangin. It really gives me a good mood to start the day. Pero hindi lang naman iyon ang mas nagpapaganda ng araw ko ngayon. I bite my lower lip to stop me from giggling like a high school teenage girl. Lumayo na ako sa bintana. Baka magduda sa katinuan ko ang sinumang makakakita sa akin sa labas. Minsan, napapaisip na lang ako na baka naa-adapt ko na, unconsciously, ang pagiging praning ni Martina.
Umiiling na dumiretso na lang ako sa closet para maghanda ng damit na isususot ko. Isang gray shirt at white short ang kinuha ko. I was about to grab a towel nang makita kong nag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng night table ko. Halos segundo lang nang takbuhin ko iyon para tingnan. As I expected, it’s a message from Joon Geun.
Joon Geun:
Good morning. I want you to know that you inspired me in composing my piano piece. Hearing your voice really motivates me. I hope you had a good sleep last night. Thanks, Zia. Have a good day.
Ilang beses ko pang binasa ang message sa screen ng cellphone ko. I crazily smile in every word I read. Yesterday, nang umalis si Joon Geun kasama ng napakagandang si Inna, halos hindi na nawala ang sama sa mukha ko hanggang sa umuwi ako ng bahay. Wala na sanang pag-asa na gumanda pa ang mood at itsura ko kundi lang ako nakatanggap ng unexpected caller.
Tiningnan ko ng masama ang bag ko sa ibabaw ng kama nang marinig ang pagri-ring ng cellphone ko sa loob niyon. Hinayaan ko lang iyon na mag-ingay. Siguradong magsasawa rin ang kung sinumang tumatawag na iyon. Hindi ko alam kung bakit pa ako nagsisintir ng ganito nang dahil lang sa magandang si Inna. Ewan, pero tinu-topak talaga ako ngayon. Mayamaya ay huminto na iyon sa pag-iingay. Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa pinapanuod kong Koreanovela.
Ngunit wala rin yatang balak tumigil ang caller ko dahil muli na namang nag-ring ang cellphone ko. Nanggigigil na hinablot ko ang bag ko at ibinuhos ang lahat ng laman niyon sa ibabaw ng kama ko. It’s almost twelve in the midnight. Siguro naman wala ng tatawag para sa mga importanteng bagay. I grab my phone. Napakunot agad ang noo ko nang makitang unregistered number ang nasa screen.
“Hello?” Medyo hindi ko pa na-control ang pagtaas ng boses ko. I clear my throat and speak again. “Sino ‘to?” Wala akong narinig na response sa kabilang linya. Geez, wala ako sa mood para sa mga prank calls. “Hello!” Sa pagkakataong ito ay mas malakas na ang boses ko.
“Oh, I’m sorry. Did I disturb you?” Boses ng lalaki ang narinig ko sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Kissing Mr. Wrong (Jiggzer Band Series 1)
Teen FictionShe was searching for MR.RIGHT. But, what she found was MR.WRONG. Who should be the best man for her? Is it her dream guy? Or is it what her heart secretly dreaming of? -KISSING MR.WRONG (Jiggzer Band Series 1) by: HERSHEE MIN