Chapter 4 ♥ We meet again

86 1 0
                                    

CHAPTER 4 ♥ We meet again

ZIA's POV

(HOSPITAL)

Nagising ako nang maramdaman kong tila mayroong nanunuod sa pagtulog ko. Nang ibukas ko ang mga mata ko ay agad na sumilaw sa akin ang liwanag na galing sa labas ng bintana. Ipinikit ko saglit ang mga mata ko at muling dumilat. I see someone standing in front me. Nang unti-unting nasanay ako sa liwanag, naging maliwanag na rin sa paningin ko kung sino ang lalaking nakatayo sa harapan ko.

           

        “Hi.” nakangiting sabi niya sa akin. Oh, how will I forget that charming smile?

       “Joon Geun?” nagtatakang tanong ko. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o talagang si Joon Geun ang nakikita ko. I don’t know. If it is just a dream, hindi muna ako gigising hanggang sa magsawa ako sa gwapong mukha niya.

           

        “Yeah, it’s me, Zia.”

           

        I smile. “Ang gwapo mo talaga kahit sa panaginip ko.”

             

        “Really?” He chuckles. “Well, you’re lucky because it’s not a dream, sweetheart.”

        “Ha?” Kukurutin ko sana ang pisngi ko para siguraduhing hindi ako nananaginip pero agad kong naramdaman ang kirot sa braso ko nang igalaw ko ang kanang kamay ko. Napapikit ako ng mariin. “Aray.”

            

          Agad na dumalo sa akin si Joon Geun. “Huwag mong biglain ang braso mo.”

        Naalala ko ang lahat ng mga nangyari kung saan natamo ko ang sugat ko sa braso. Napangiwi ako nang maramdaman muli ko ang kirot.

          

        “Ngayon napatunayan ko na hindi talaga ako nananaginip.” Tumawa pa ako ng bahagya saka tumingin sa paligid ng silid. “Nasaan ba ako?”

        “Nandito ka sa ospital.”

        “Ikaw, bakit nandito ka?”

           

        He smiles. “The old woman you saved is my Grandma.”

           

        Nagulat ako sa sinabi niya. “Talaga? Kumusta na si Lola ngayon? Maayos ba ang lagay niya? Hindi ba siya nasaktan?”

           

        Umiling siya. “Grandma is fine now. Actually, nasa kabilang kwarto siya. Bigla na lang  kasi siyang nahirapan sa paghinga nang makita ka niyang nawalan ng malay.”

           

        “Mabuti naman at ayos lang siya.” Nakahinga ako ng maluwag. Nang mahagip ng mata ko ang oras sa wall clock na nakasabit sa dingding ay napabangon ako bigla. Agad na napangiwi ako nang maramdaman kong kumirot na naman ang sugat sa braso ko. Alas-otso na ng umaga!

Kissing Mr. Wrong (Jiggzer Band Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon