Chapter 3 ♥ Superwoman

106 1 0
                                    

CHAPTER 3 ♥ Superwoman

ZIA’s POV       

(Picka-flower Shop)

        Napakunot ang noo ko at bumaling kay Martina na nasa tabi ko. Kanina ko pa naririnig ang pagbuntong-hininga niya na parang nananaginip na naman siya ng gising. I see her stop for a second in putting her foundation and dreamily sigh again at the compact mirror she was holding. Tinapik ko ang ulo niya ng hawak kong ballpen.

           

         “Aray ko naman, Zia. Kanina ka pa, ha.” nakasimangot na reklamo niya sa akin. Inayos niya ang mahabang buhok niya na hindi naman magulo dahil kanina pa nga siya suklay ng suklay. Oras na kasi ng uwian at naghahanda na kami sa pag-alis. Tumingin siya sa akin. “Ano na naman bang problema mo?”

        “Ako dapat ang nagtatanong niyan sayo. Kanina ka pa bumubuntong-hininga diyan. Trip mo bang maubusan ng hangin sa baga?” pang-aasar ko sa kanya.

        Akala ko ay papatulan niya ang sinabi ko ngunit bigla na lang nangislap ang mga mata niya at ibinalik ang tingin sa hawak na salamin. She’s smiling like a high school girl who saw her crush at the hallway of the school.

        “Grabe, ang gwapo talaga niya, ‘no? Parang anghel na nagsasalita.“ Martina says, giggling.

       “Sino naman?” painosenteng tanong ko kahit alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Parang gusto ko na ring kiligin.

      “Asus!” Malakas na hinampas ako ni Martina sa braso. Sa sobrang lakas, muntikan pa nga akong mangudngod sa ibabaw ng counter desk. “Kunwari ka pa diyan. If I know, crush mo rin ang gwapong nilalang na iyon. Ngiti mo pa lang kanina abot na hanggang langit. And I heard na first name basis na ang tawagan niyo. Grabe, level-up na agad?”

        “Joon Geun is a nice guy. Natural na sa kanya ang maging mabait. At isa pa, wala namang masama kung may crush ako sa kanya, di ba? I mean, he’s really a perfect gentleman. Kahit sinong babae ay magkakagusto sa kanya. Napaka-approachable din niya at hindi intimidating. Hindi katulad ng Seiran Lee mo na mukha pa lang masungit nang tingnan.”

        “Hey! Iba si Seiran mylabs ko. Iba ang Joon Geun mylabs mo. Magkaiba sila ng karisma kaya huwag mo silang pagkumparahin." Inismiran niya ako at humarap ulit sa maliit na salamin. Now, she’s putting on a lipstick. “Pero sa tingin mo, Zia, may pag-asa pa kaya na makita mo siya or makita ka niya?”

            I shrug at her. “Hindi ko alam. Baka nga sa mga oras na ito nakalimutan na niya pati ang pangalan ko. Hindi naman ako umaasa dahil malabo naman na magkita kami ulit, unless, bumalik siya rito sa shop.”

           

         “Ang saklap naman ng love story niyo. Nag-uumpisa pa lang, ending na agad.” komento ni Martina.

            Natawa lang ako sa sinabi niya. “Sira ka talaga.”

Kissing Mr. Wrong (Jiggzer Band Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon