CHAPTER 1 ♥ Meet Mr. Right
Zia’s POV
(Picka-Flower Shop)
“He’s really perfect. I’m in love. Super!”
Napangiwi ako nang malakas na tumili sa tabi ko ang high na high ko na namang kaibigan habang kinikilig pang hinampas-hampas ako sa braso. Bumuga na lang ako ng hangin. Nawawala na naman sa katinuan ang kaibigan ko. Ang masama lang, ako ang kawawa sa tuwing kinikilig siya dahil halos ma-dislocate ang braso ko sa kakahampas niya. Pati ang mga katrabaho namin sa Picka-flower ay nakangiting umiling-iling na lang habang nag-aayos ng mga naka-display na bulaklak roon. Mabuti na lang at wala pa kaming costumer ng mga oras na iyon. Kung hindi ay baka napagkamalan nang mental institution ang flower shop namin.
Unfortunately, that girl who was giggling like crazy beside me at the counter is my friend, Martina. Ang babaeng over na over sa energy level at kadaldalan. Until now, I’m still wondering kung saan banda ko ba siya naging kaibigan. Basta one day, isang araw may isang kaibigan na kong praning. Lalo na sa mga lalaki. Tulad na lang ngayon.
“Grabe, Zia. Wala talaga siyang pangit na angle. From front view, side view to back view. Perfect ten ang kagwapuhan niya!” kinikilig na kwento niya sa akin habang hawak-hawak ang isang picture. Martina dreamily sighed. “Gwapo, matangkad, mayaman, matalino, mabango, magaling kumanta, gentleman, sikat, hunk, masungit yet so sweet. See? He’s really a perfect guy every girl would definitely wish to have. Gosh! Napapa-english ako!”
Natawa na lang ako at pabiro kong hinila ang buhok niya nang pagtripan na niyang halik-halikan ang hawak na picture ng kung sinong lalaki. Exaggerated siyang sumimangot sa harap ko. “Pambihira ka naman, Zia. Panira ka na naman sa pangarap ko. Hindi ka ba marunong gumalang sa future girlfriend ni Seiran Lee?”
“Bruha ka talaga. Ano na naman ba ‘yang kalandian mo? Nakakahiya sa mga costumer natin na makakakita sayo. Tigilan mo na nga ‘yan.” Kinuha ko ang hawak niyang picture at kunot-noong tiningnan iyon. “Sino ba ‘to? Kapit-bahay niyo?”
“My God, Zia!” bulalas niya. “Si Seiran Lee hindi mo kilala? Ang sikat na band leader ng Jiggzer? Saang ilalim ka ba ng lupa nagpupunta?”
“Ikaw, saang mental ka ba galing?” Tumawa na lang ako nang sumimangot siya. Saka ko tiningnan ang lalaki na nasa picture. Umiling-iling ako. “Kaya hindi ka nagkaka-boyfriend hanggang ngayon, eh. Puro kasi made in Korea ang mga type mo.”
“FYI, Seiran Lee is a half-Korean half-Filipino. Kauri pa rin natin siya kaya may pag-asa pa. Besides, nandito lang naman siya sa Pilipinas. Siya lang ang nag-iisang patunay ng real perfect guy kaya hindi dapat pinapalagpas ang mga ganoong specie. Sayang ang genes niya kung hindi siya sa akin babaksak.”
Hindi ko alam kung mapapakamot na lang ako ng ulo o hahangaan ang fighting spirit ni Martina. “Alam mo bru, kahit saang parte ka pa ng lupa ng Korea maghukay, wala kang makikitang perfect guy.”
BINABASA MO ANG
Kissing Mr. Wrong (Jiggzer Band Series 1)
Teen FictionShe was searching for MR.RIGHT. But, what she found was MR.WRONG. Who should be the best man for her? Is it her dream guy? Or is it what her heart secretly dreaming of? -KISSING MR.WRONG (Jiggzer Band Series 1) by: HERSHEE MIN