Chapter 8 ♥ Reward

108 2 1
                                    

CHAPTER 8 ♥ Reward

“This is…wow!”

           

    Namamanghang pinagmamasdan ko ang paligid mula sa bintana ng limousine nang makapasok na ang sasakyan namin sa malaking gate ng mansyon.The whole place that catches my sight was oh-so amazing. Mukhang kulang pa ang alam kong adjectives para i-describe ang buong lugar. Labas pa lang ito at hindi ko pa natatanaw ang mismong mansiyon, pero nakakamangha na agad ang nakikita ko. The pathway that made of bricks, artistic landscape of the garden and the paradise-like ambience of the place. Para akong nasa fairy-tale palace na nababasa ko lang sa mga story books.

           

        Mayamaya pa ay huminto na ang limousine sa circular driveway ngengrandeng water-fountain. Sa tingin pa lang ay siguradong mabusisi na ang pagkakaukit doon dahil napaka-detalyado ng bawat disenyo at kurba ng fountain na iyon. Sa harap niyonay ang mala-palasyong mansiyon ng mga Lee.

           

        “Sa laki ng bahay na ito, napapaisip tuloy ako kung nakikita niyo pa ang isa’t isa sa loob.” komento ko saka bumaling kay Joon Geun na nasa tabi ko.

           

        Mahina siya tumawa. “Well, nakikita pa naman namin ang isa’t isa sa loob. Good thing pa nga dahil wala pa naman masyadong naliligaw sa loob ng mansyon.”

         Hindi makapaniwalang napatingin ako sa malaking mansyon sa harap namin. “Ano? Don’t tell me ganoon kalaki ang bahay na iyan?”

          I know that sounds exaggerated pero sinakyan ko na lang ang sinabi niya. Hindi ko naman alam kung kailangan pa talaga ng mapa sa loob ng mansyon dahil sa sobrang laki nito. The mansion was definitely elegant and beautiful, alright. Pero hindi ko lang trip na parang may tagu-taguan sa loob. I can’t imagine it to be that huge.

            “Biro lang.“ Tumatawang pinisil niya ang pisngi ko.

            “Akala ko kakailanganin ko pa ng compass, eh.”

            He just chuckles. “So, you ready?”

          Nakangiting tumango ako. Lumabas na siya ng sasakyan. Pinagbuksan naman ako ni Mr. Kim ng pinto at inalalayang lumabas. I look at the mansion, open-mouthed. Mas nakakamangha iyon kapag tiningnan sa malapitan.Napansin ko rin ang mga nakaukit na disenyo sa kabuuan ng mansyon. Parehas lang iyon ng mga nakaukit sa engrandengfountain sa harap niyon. Mukhang pinag-isipan talaga kahit ang kaliit-liitangdetalye ng buong lugar na ito.

            Sa di-kalayuan ay napansin ko ang mga unipormadong mga lalaki. They’re all in a black suit at may suot na ear-gadget, maybe use in communicating to others. They must be the bodyguards. Nagkalat sila sa buong paligid at nakabantay sa anumang nangyayari sa labas ng mansyon.

         Sa malaking pinto naman ng mansyon ay sinalubong kami ng mga unipormadong mga katulong. Nakahilera sila sa harap ng pintuan at bahagyang nakayuko.

Kissing Mr. Wrong (Jiggzer Band Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon