Chapter 15 ♥ One Rainy Night (Part II)

110 2 0
                                    

AUTHOR’S NOTE

“…I don’t miss you and you alone. I miss you and me together. Even we fight a lot I still want you in my life. I may not be with you all the time, but you never out of my heart. As I stare and sit, I know I’ll see your angelic face again. We were two but one heart between us. I won’t give up, Zia. I’ll fight for you. Just listen to the song in your heart and it will lead you back to me, back to my life again. I’ll wait for you. I’ll wait for you even if there’s no reason left for me to wait. All that I know is just… I love you… and I’ll hold on even to little chances just to be with you. Dahil alam kong kailanman ay hinding-hindi makakalimot ang puso. And I wish it would not…Saranghamnida. Nomu pogo shipo so-yo.” – SEIRAN LEE

Hey, Minions. Abangan ang linyang ito ni Seiran Lee. ^_^

Okay. Medyo spoiler ako sa part na ‘to. But I’m just giving you some idea to the major twist of this story. Iyon ay kung parehas tayo ng iniisip. But if ever, you’ll think it is a common twist just like the other story you’ve read or watched. Well, it goes with the same idea but it is not what you think it is. I made it unique para hindi naman nakakasawa yung mga nangyayari. At sana ma-justify ko nang maayos ang part na ‘yon. He-he.

Even I’m the writer, nai-excite rin ako sa part na ‘yon kahit alam ko naman ang mangyayari. Kaya nga naisipan ko siyang ilagay sa author’s note ko kahit matagal pa naman para sa twist na ‘yon. But I hope you feel the same excitement I felt.

Settled na ang takbo ng buong kwento ng story na ‘to. Time and attention lang ang kulang. Hindi lang naman dito umiikot ang buhay ko. Studyante rin ako sa umaga. ^_^ Hope you understand my late updates, guys. Love you.♥

KAMSAHAMNIDA! *bow*

N.P : BEAUTIFUL IN WHITE By Westlife - (One of the Kissing Mr. Wrong OST. I've already posted the video trailer I made for this story. Trip ko lang rin para masaya. Ha-ha. You can see that on YouTube or in the right corner of the Kissing Mr. Wrong wattpad page. I wish you could share me your precious time to check out for that video. Love you, Minions ♥)

               

-HERSHEE MIN-

_____________________________

CHAPTER 15 ♥ One Rainy Night (Part II)

Pagkalabas namin ng shop ni Seiran ay mabilis ang mga kilos na naglakad kami. Mas nauuna siyang maglakad sa akin kaya naman nakasunod lang ako sa kanya habang tumitingin-tingin sa paligid ko. Mabuti na lang at maraming tao ngayon sa bazaar kaya naman madali naming natakasan ang mga paparazzi na humahabol sa amin kanina.

        “Aray…” daing ko nang hindi sinasadya ay may nakabangga ako sa mga taong naglalakad pasalubong sa akin. Nang makita kong matandang babae ang nakabangga ko ay mabilis na yumukod ako para humingin ng paumanhin. “Pasensya na po. Ayos lang ho ba kayo, Lola?”

    

     “Okay lang ako, hija. Mag-iingat ka na lamang sana sa susunod.” nakangiting sagot ng matanda.

    

        “Pasensya na po talaga.” Iyon lang at naglakad na rin ang matandang babae. Inayos ko ang pagkakasuot ng cap ko nang matigilan ako. Luminga-linga ako sa paligid para hanapin si Seiran nang mapansin kong wala na siya sa unahan ko. Ngunit sa dami ng tao ngayon, malabong makita ko siya agad. Bumuga na lang ako ng hangin. “Pambihira. Heto na naman kaming dalawa. Saan ko naman kaya siya hahanapin ngayon?”

Kissing Mr. Wrong (Jiggzer Band Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon