Chapter 12 ♥ Kiss and Secrets

101 1 0
                                    

AUTHOR’s NOTE

              

A big HELLO to all of my beloved readers.

Nawala ako ng almost two months sa pagsusulat. It’s just because my square-headed partner, which is my personal computer, gave up and it so happen na wala pa akong pampagawa that time. God, I really missed writing! Though it’s fine. At least nagkaroon ako ng time para mapag-isipan ng maayos ang buong kwento ng Kissing Mr. Wrong. Dahil doon ay nakaisip ako ng big twist para sa story na ito, as well as, the sequel para sa other three members ng Jiggzer Band. (Gray, Rui and Shaun) I just wish na magawa ko ang mga story nila. Ha-ha-ha.

By the way, meron akong bagong pauso. Just exclusive for my readers. Para magkaroon tayo ng own identity (Naks!). Hey, hello, my dear readers. You’ll be evolve now into MINIONS. You know, MINIONS can do everything because they have each other. At ako, hindi ako magkakaroon ng drive na buuin ang Kissing Mr. Wrong kung hindi dahil sa inspirasyon na ibinibigay niyo sa akin. Kahit kaunti pa lang sa ngayon ang readers ng kwentong ito, knowing na may patuloy na nagbabasa nito ay sapat nang motivation. ♥

MINIONS mean HERSHEE MIN’s readers. Medyo may connection rin sa pen name ko di ba? He-he. HERSHEE MINions.

READ-VOTE-COMMENT-SHARE

Thanks, My Minions ^_^

And HELLO to RUBY JEAN. My favorite Minion, of course. He-he♥

Siya ang kasama ko sa first time naming pagpapa-book signing sa pinaka-favorite naming author na si Miss Sonia Francesca of PHR. For the first time, nag-cutting ako ng whole day class ko para lang makita siya. I don’t mind, anyway. Worth it ang araw na ‘yon para sa akin. Love♥Love♥

-HERSHEE MIN-

_________________________

 CHAPTER 12 ♥ Kiss and Secrets

ZIA’s POV

INAANTOK na bumaba ako mula sa motorbike na sinasakyan namin ni Borj nang makarating na kami sa Hang-Yun. Ang motorbike na iyon ni Borj na ang ginagamit naming dalawa sa pagpasok at pag-uwi dahil hindi na ako komportable na magpasundo’t hatid sa limousine. Naisip ko rin na isang abala iyon kay Mr. Kim lalo pa’t may iba pa siyang bagay na dapat gawin.

         

        Tinanggal ko ang suot kong helmet at inabot iyon kay Borj. “Wala ka bang klase ngayon?”

        

        “Wala, ate. Ngayon ang unang araw ko sa coffee shop na in-aplayan ko kaya doon na ang diretso ko ngayon.”

         

        “Ganoon ba?” Napahikab ako ng malakas saka dinukot sa bulsa ng uniform coat ko ang isang papel at ibinigay iyon kay Borj. “Pwede bang sumaglit ka muna para bumili ng gamot ni Mama? Nakalista na diyan ang mga bibilhin mo. Gagabihin na ako ng uwi mamaya kaya hindi ko na mabibili ang mga ‘yan. Ibigay mo muna ‘yan kay Mama bago ka pumasok. Wala na siyang iinuming gamot. Huwag mo na rin pala akong sunduin mamaya. Dumiretso ka na sa bahay para magawa mo pa ang ibang homework mo.”

         

         Napakunot ang noo ko nang dinutdot ni Borj ang noo ko ng hintuturo niya. “Ano ba ‘yang itsura mo, Ate Zia? Mukha kang zombie na nalugi. Siguradong babangungutin ang sinumang makakakita sayo ngayon.”

Kissing Mr. Wrong (Jiggzer Band Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon