CHAPTER 6 ♥ Missing You
ZIA’s POV
(Picka-Flower Shop)
Isang linggo na ang nakakalipas simula nang iligtas ko ang Lola ni Joon Geun. Simula nun ay hindi na siya nagpakita sa akin o kahit tumawag man lang.
“Pa’no nga naman niya ako tatawagan, eh wala naman siyang number ko.” mahinang kausap ko sa sarili ko habang nasa counter ako ng shop. “Pambihira, pati sarili ko kinakausap ko na. Lakas talaga ng saltik mo, Zia.”
I don’t know pero nami-miss ko talaga si Joon Geun. Gusto ko ulit siya makita. Pero saan ko naman siya pupuntahan? Ni hindi ko nga alam kung saan bang parte ng earth naroon ang bahay niya.At hindi ko man lang naisip na kuhain ang cellphone number niya. Asar naman!
“Naalala pa kaya niya ako? Hindi man lang nagparamdam—“
“Hoy!”
“Ay kambing!” nagulat ako nang bigla na lang sumulpot si Martina sa tabi ko. “Ano ka ba? Balak mo ba akong patayin sa gulat?”
“Ano ba kasi yang trip mo, Zia? Ilang araw ka lang nawala rito, kinakausap mo na yang sarili mo. Dapat na ba akong mag-panic? Baka sa susunod na araw sa mental institution na kita dadalawin.”
Hinampas ko si Martina sa braso. “Bruha ka talaga. Mas tatanggapin ka doon kaysa sa akin, ‘no?”
“Eh, sino ba kasi iniisip mo?” tanong niya.
“Wala.”
“Anong wala? Sambunutan ko kaya yang kilay mo? For sure, si Joon Geun na naman, ano?” Hindi ako nagsalita sa sinabi niya. Naningkit ang mga mata niya at inilapit pa lalo ang mukha niya sa akin. “Hoy, Zia. Umamin ka nga sa akin. May something ba sa inyo ng Joon Geun na iyon?”
Nasamid ako sa sinabi niya. “Hoy, Martina. Anong something na naman ‘yang pinagsasabi mo? Huwag mo nga kaming gawan ng issue.”
“So, confirmed, si Joon Geun nga ang iniisip mo.”
“Ano naman ngayon?”
“Lunes.” Tumawa si Martina. “Ikaw Zia, ah. Mukhang nafo-fall ka na diyan kay Joon Geun. Ni hindi mo nga ako kinuwentuhan ng ibang happenings tungkol sa inyong dalawa. Ano na bang progress sa love team niyo? Naka-tsansing ka na ba? Nakapunta ka na ba sa langit?”
BINABASA MO ANG
Kissing Mr. Wrong (Jiggzer Band Series 1)
Teen FictionShe was searching for MR.RIGHT. But, what she found was MR.WRONG. Who should be the best man for her? Is it her dream guy? Or is it what her heart secretly dreaming of? -KISSING MR.WRONG (Jiggzer Band Series 1) by: HERSHEE MIN