Chapter 5 ♥ My charming Joon Geun

99 1 0
                                    

CHAPTER 5 ♥  My Charming Joon Geun

Isang puting limousine ang nakita kong nag-aabang nang makalabas na kami ng ospital ni Joon Geun. There’s a man with an all in white uniform waiting outside of the car. Nang makalapit kami sa sasakyan ay yumukod ng bahagya ang chauffeur ng limousine, a way of showing respect for Koreans.

        Annyeong hashimnika, Master Joon.” bungad na bati ng chauffeur sa amin.

        Joon Geun bends down his head, as well. Lumapit ako kay Joon Geun.

        “Ano bang ibig sabihin ng sinabi niya?” bulong ko sa kanya sabay turo kay manong driver.

        The corner of his lips lifts up and turns it into smile. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at mahinang bumulong rin sa tainga ko. Halos magtayuan ang mga balahibo ko sa batok nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa gilid ng leeg ko.

        “It’s good morning, sweetheart.” bulong niya sa akin.

           

        Feeling ko ay mauubusan ako ng hininga dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kaya naman mabilis na bumaling na lang ako kay manong driver.

           

        “Uhm, magandang umaga rin ho, manong.” bati ko sa driver saka bahagya ko ring iniyuko ang ulo ko.

        “Mr. Kim na lang po, ma’am.” nakangiting sabi naman niya.

        “Ah, sige po.” sagot ko.

        Bumaling si Manong kay Joon Geun. “Saan po tayo, Master Joon?”

      Napansin ko na hindi siya tumitingin ng diretso kay Joon kapag kinakausap niya ito. Bahagyang nakayuko ang ulo niya habang nakatingin sa ibaba. Ang isang kamay naman niya ay nakalagay sa likuran niya.

        Tumingin si Joon Geun sa akin. “Saan ka ba nakatira, Zia?”

        “Uhm, sa Full House Ville.” sagot ko sa kanya.

        “Mr. Kim, sa Full House Ville tayo.” sabi niya sa driver niya. Nagulat ako nang bigla na lang niyang hawakan ang kamay ko. “Let’s go, Zia.”

      Hindi na ako nakaimik at tumango na lang. Masyado pa akong nao-overwhelmed sa magka-hawak naming kamay. Naalala ko noong unang beses kaming magkita sa flower shop. Naisip ko kung gaano ba kasarap maka-holding hands ang kamay niya. Pero kapag sinuswerte nga naman. Heto at ka-holding hands ko ngayon si Joon Geun. I bite my lower lip to keep myself from screaming.

        Pero saglit lang pala iyon. Dahil nang buksan ni Manong ang pinto ng limousine ay inalalayan na niya akong makapasok sa loob ng sasakyan. Pumunta siya sa kabilang gilid at pumasok mula roon.

Kissing Mr. Wrong (Jiggzer Band Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon