Nabalikwas na naman si Danarah. Lagi nalang ganon pagkatapos ng tulog niya.
Nanaginip na naman siya. At dahil sa panaginip na iyon muli na namang bumalik sa kaniyang himaymay ang pangyayaring anim na taon na ang nakararaan.
ILANG minuto nalang lalapag na ang eroplanong sinasakyan nila Danarah.
Sabik siya dahil muli na naman niyang masilayan ang bansang kaniyang kinalakihan. At malungkot dahil naiwan sa Pilipinas ang kaniyang pinakamamahal na si Jiro.
CALIFORNIA
"We're here!" Masayang turan ng inang si Kirsten.
Sa wakas nakalabas na sila mula sa airport. Napaoatihaya naman si nanny Stephanie dahil sa bitbit na puro gamit ni Danarah.
Daig na rin niya ang aso na hinihingal.
"Mamaya ay magkikita lahat ng Angelous, princess. Do yoy wanna come with me?" Wika ng kapatid niyang si Dave.
"Oo naman kuya! Saka hindi na kami masyadong nakapag-usap ni Azi ganon din ang iba nating kasamahan. Masyado akong naging abala these few days." Tugon naman niya.
After kasi ng graduation nauna nang umuwi ang mga kasama nila sa Angelous ganon na din si Azi na kaniyang naging matalik na kaibigan buhat ng napatay si Xavier.
"They know how to understand princess. You don't have to worry them."
Tipid lang siyang ngumiti sa kaniyang kapatid.
Nang gabing iyon ay sabay silang umalis ni Dave.
Tulad nga ng nasabi ni Danarah noong nasa Pilipinas pa sila, marami siyang nakaambang hihilingin sa amang si Dwayne at isa na roon ang NO BODYGUARD.
Walang nagawa si Dwayne kundi ang sumunod sa pinangako sa anak.
Tinanggalan nga niya ito ng body guard at maski saan na siya magpunta, malaya na siya dahil wala na siyang LOOK UP.
Si Dave ang nagmanehi sa kanilang sinasakyang porsche carera GT.
"Do you miss him?" Tanong ng kuya niya.
"Yes!" Tipid niyang sagot.
Sa totoo lang ay ayaw niyang pag-usapan ang mga bagay na may pagkadramatic. Ang kuya niya kung minsan nahahawa na sa kapapanood nila ng mga teleserye noon sa Pilipinas.
"Bakit ka ba pumayag na bumalik ng Pilipinas kung malulungkot ka lang dahil magkalayo kayo ni Jiro?"
Hayys! Bakit ba ganon ang mga tanong ng kuya niya? Mukang umiintriga na. Gusto pa yatang daigin si Boy Abunda.
"I just kept my promise to dad!" Sagot niya.
"Is that promise was important than Jiro?" Muling tanong ng kuya niya.
Naparolling eyes tuloy siya.
"Maybe because needed. Why you don't just concentrate on the road while driving?" Pagsusungit niya.
Paminsan-minsan kailangan niyang palabasin ang kaniyang nakatagong sungay upang tumigil na ang kuya niya sa kadadakdak.
Napasinghal si Dave. Ang sungit ng kapatid niya.
"Malapit na tayo!" Masayang wika ni Dave.
Nagulat siya sa kaniyang kinauupuan. Nakaidlip pala siya! Bakit kasi ang layo ng venue nila?!
Habamg tinatahak nila ang daan ay lumalaki naman ang nakikita niya na obstruction sa kanilang daanan. Wala din ni isang sasakyan ang sumusunod sakanila.
BINABASA MO ANG
THE LEGEND OF LADY WARRIOR (BOOK2: SHE IS DANGEROUS) BY: APPLE
ActionNapabalikwas si Danarah. Dinig na dinig niya ang pinag-uusapan mula sa labas kung saan siya nakapihit sa makakapal na rehas at matataas na pader na gawa sa naglalakihang bato. Anim na taon na ang kaniyang pagdurusa. Tama na! Kailangan na niyang guma...