(Trial For the Traitor)Bumaba sila ng sasakyan at naglakad patungo sa pinakamadilim na bahagi ng Anniston U. Tinabihan ni Jiro ang asawa at aakbay sana ng itulak siya nito.
"Bakit ka nanunulak?" Reklamo ni Jiro.
"Pwede ba wag kang tumabi sa akin. Ang pangit-pangit mo." Hasik ni Danarah. Kung pwede lang na takpan niya ang mukha nito.
"Ako pangit? Sweetheart? May puwing ka yata sa mata."
"Basta ang pangit mo! Ayoko ng nakakakita ng pangit baka pumangit ang magiging anak ko." Reklamo na naman niya saka tumalima na sa paglakad.
Napapakamot nalang si Jiro sa ulo. Nakakatuwang pinaglilihian siya ng asawa pero wag naman na sanang sabihan siya ng pangit. Alam naman ng mundo na hindi iyon totoo.
"Ang dilim naman nitong pununtahan natin." Ani Danarah. Puro nalang siya reklamo.
"Basta! Maghukay nalang kayo." Usal niya na dala ang mga pala. Binigay niya kay Jiro ang isa.
"Akala ko ba wala dito ang mga ginto? Anong huhukayin natin?" Si Cholo.
"Wag na kayong maingay. Kung pwede humukay tayo ng kakasya sa labinlimang tao."
Nakuha naman ni Danarah ang gusto ng kapatid.
"Jiro simulan mo na ang humukay." Baling niya dito.
"Mamaya nalang ako pag may naumpisahan na."
"Ikaw na mag-umpisa."
"Mamaya nalang!"
"Huhukay ka ba o ikaw ang ililibing ko diyan ng buhay?" Pagalit niyang turan.
"Hayyss! Ano ba yan!"
Walang nagawa si Jiro kundi ang sundin ang kagustuhan ng asawa.
Medyo malalim na ang kanilang nahukay pero wala pa ang kanilang hinihintay.
"Sige! Hukay lang kayo ng hukay." Kampanteng wika ni Danarah.
Palibhasa buntis siya kaya lahat ng sasabihin niya ay sinusunod nila.
Sa di kalayuan, masayang tinatanaw ni Ryle ang mga ito habang kumakain ng fried chicken.
"Sige! Hukayin niyo lang ng hukayin ang kayamanan ko para hindi na ako mahirapan mamaya." Usal niya sa sarili sabay halakhak.
"Sinasabi ko na nga ba eh! Darating din ang oras na ilalabas nila ang mga ginto. Mas magaling pala ako kaysa sayo Van. Bakit ko pa hinayaang maging tatauhan ko ako noon." Nakangising wika ni Xavier sa sarili.
"Master Xi! Kikilos na ba tayo?" Tanong ng kanang-kamay niya.
"Relax lang! Maghintaybpa tayo ng tiyempo saka natin sila lulusubin. Hindi na sila makakawala pa ating mga kamay. At sisiguruduhin kong mapapatay ko na ngayon si Dave."atalim ang tinging tugon niya sito.
Lumingon siya sa mga neophyte. Mukang malakas din angvloob ng mga ito na puksain na ng tuluyan ang mga Angelous. Sabagay, hindi na ganon kalaki ang grupo ng mga Angelous at hindi na nila hahayaang muli itong mapalawak. Kailangang manaig na ang neophyte.
Ilang sandali pa, sumenyas na si Xavier sa mga kasama. Nagkalat na ang mga Neophyte sa buong paligid.
Naramdaman ni Danarah ang mga aninong papalapit sa kinaroroonan nila. Biglang nangati ang kaniyang mga palad. Hudyat na muli na naman niyang magagamit ang kaniyang samurai.
Napatayo siya sakaniyang kinauupuan.
"Princess bakit?" Tanong ni Dave sakaniya.
"Hindi pa ba kayo titigil sa paghuhukay?" Sa halip ay tanong niya.
BINABASA MO ANG
THE LEGEND OF LADY WARRIOR (BOOK2: SHE IS DANGEROUS) BY: APPLE
AksiyonNapabalikwas si Danarah. Dinig na dinig niya ang pinag-uusapan mula sa labas kung saan siya nakapihit sa makakapal na rehas at matataas na pader na gawa sa naglalakihang bato. Anim na taon na ang kaniyang pagdurusa. Tama na! Kailangan na niyang guma...