CHAPTER 19:

709 27 0
                                    

   

Dinala sila ni Jiro sa isang gusali. Hindi naman matatawag na luma o kaya inabandona ngunit tahimik ang lugar at tila hindi nagagamit.

Nagtataka man si Danarah ngunit hindi na muna siya nag-usisa. Hanggang sa tuluyan na silang nakapasok.

Ang mga kambal naman ang daldal ng daldal ngunit wala namang pumapansin sakanila.

Mga bakal at kung anu-ano pang matitigas at matutulis na bagay ang nagkalat sa loob.

Sa pinakalikod na partes ng gusali ay may isang silid kung saan ay doon sila patungo.

Pagkabukas ni Jiro ay namangha si Danarah ganon din ang kambal sa lawak at aliwalas ng silid na iyon.

Kumpleto ang gamit. Malalambot na sofa, mesa, isang set ng computer, mga libro na nakaayos sa isang divider at kumpleto din ang appliances. May bahagi din dito ang kusina at dining area.

At sa loob ng silid na iyon ay may nakapaloob din na apat pang pintuan.

"Wow!" Mangahang bulalas ng kambal. "Is this your hideout? Well, its not obvious."

At ang mga tyanak! Ano kaya ang iniisip nila sa lugar na iyon?!

"This is not a place of criminal persons, kids." Sagot ni Jiro.

"Dito mo ba dinadala ang mga babaeng pinalit mo sa akin sa loob ng anim na taon?" Kaswal na tanong ni Danarah habang hinahaplos ang makulay at malambot na sofa.

"Mga babae? Hindi ba pwedeng isang babae lang!" Tugon naman ni Jiro.

Tiningnan ito ji Danaeah ng masamang tingin. Nakakatakot na parang gustong mangitil ng buhay.

Naalaram naman si Jiro sa tingin na iyon.

"I'm just kidding! Sorry!" Usal niya.

Sa kalooban niya ay may bahagi ng tuwang naramdaan si Jiro. Nagseselos si Danarah.

Ikaw palang sana ang kauna-umahang dadalhin ko dito with a pleasure kaya lang dahil sa sunud-sunod na pangyayari, hindi nasunod ang plano."

"Anong plano?" Tanong ni Danarah.

"Plano na dito ko kukunin ang pagkavirgin mo pagkatapos ng ating kasal." Nakatawang wika ng binata.

Pinamulaan si Danarah sa prangkang sagot ni Jiro saka siya napatingin sa tatlong bata na nakaupo sa sofa at waring nakikinig sa usapan nila.

"Itikom mo nga yang bunganga mo. May mga batang nakikinig sa iyo."

Alam kasi ni Danarah na nakakaintindi at nakakapagsalita ang mga kapatid niya ng tagalog.

"Jiro yung surprise mo." Singit ni Cholo na kumakain ng chocolate cake galing sa refrigerator.

"Oo nga pala sweetheart este Danarah. Halika sumama ka sa akin may ipapakita ako sayo."

Magsasalita pa sana si Danarah ngunit hinila na siya agad ni Jiro patungo sa isang silid.

"Naalala mo ba yung sinabi ko sayo kanina?" Tanong ni Jiro sa harap ng pintuang nakasarado pa lang.

"Ang alin?"

"Na mapapayakap ka sa akin sa galak kapag nakita mo na ang surpresa ko sayo?"

"Eh ano naman ngayon?"

"Baka hindi lang yakap kundi mahabang halikan ang mangyayari pagkatapos. Kaya bago ko buksan ang pintuang ito, bigyan mo muna ako ng sample kiss." Nakangising wika nito.

Ang ulo ni Danarah mukang nagliliyab na sa inis. Napakademanding ni Jiro.

"Ano? Yung sample kiss ko."

THE LEGEND OF LADY WARRIOR (BOOK2: SHE IS DANGEROUS) BY: APPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon