Nagpunta si Danarah sa dating tagpuan ng mga Angelous. Nagtaka siya dahil nag-iba na ang lugar. Dati iyon na inabandonang gusali pero ngayon ay nabakbak na pala lahat. Wala na ang dati niyang pinag-eensayuhan ng martial arts.
"Nasaan na kaya ang mga Angelous? Buhay pa kaya sila? Sana may biglang magpakita." Sambit ng kaniyang isip.
Naglakad-lakad siya hanggang sa nagawi sa siya sa mga autumn tree.
Kanina pa niya napapansin na tila may simusunod sa mga yapak niya.
Lumingon siya ngunit wala siyang nakita.
Naglakad siya muli ng apat na hakbang saka lumingon pero wala pa din.
Hakbang ulit.
Isa
Dalawa
Tatlo
Lingon! Pero wala talaga!
Samantala, pilit nagkukubli ang sumusunod kay Danarah. Kailangan niyang makasiguro sa nakikita.
Sumilip siya ng bahagya. Biglang nawala si Danarah.
"Nasaan kaya yun?" Tanong nito sa sarili na nakakamot ang ulo.
Biglang may humawak sa kaniyang leeg na anumang oras ay babalian siya. Hindi siya agad nakakilos.
"Bakit mo ako sinusundan?" Tinig ng isang babae.
Hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Kahit hirap niyang ikilos ang ulo ay pilit pa rin siyang lumingon. Alam niya kung sino iyon dahil sa boses nito.
"It's been a long years, Danarah!" Wika niya.
Nagtaka naman si Danarah. Hinarap niya ang lalake na hindi pa rin bumibitaw ang kamay sa leeg nito.
Kumunot ang noo ni Danarah. Kilala siya ng lalake pero samantalang ngayon lang niya ito nakita.
"Sino ka?" Madilim ang mukha niyang tanong.
"Calm down Danarah! Hindi ako tulad ng maaaring inaakala mo ngayon."
Pero ayaw magtiwala ni Danarah. Mas lalo niyang nilakasan ang pagsakal sa lalaki.
"Pwede bang bi--bitiwaaan mo mun--a ako." Nahihirapang sambit ng lalaki na nangingitim na ang mukha.
Napaisip si Danarah at unti-unti niyang binitiwan ang lalaki.
Paubong sapo nito ang leeg.
"I'm Ryle! Graduated from St. Francis." Pakilala ng lalaki.
"Anong kinalaman ko sayo at bakit mo ako sinusubaybayan?" Tanong ni Danarah.
"Hindi ko sinadyang subaybayan kita. Nagkataon lang na nagpunta ka dito ng oras ng pagbisita ko."
Nahiwagaan siya sa sinabi nito.
"Anong binibisita mo dito?" Muling tanong niya.
"Ang lugar na ito! Ang lugar kung saan huli kong nakasama amg mga Angelous."
Parang nagmagnet sa mga mata ni Danarah ang pagbanggit ni Ryle sa mga Angelous.
"Ang Angelous? Ang aking grupo! Nasaan na sila?" Wala sa sariling usal niya.
"Tulad ng sabi nila! Karamihan daw patay na! Sabi naman ng iba may mga nawawala pero dahil anim na taon na ang nakararaan, mas naniniwala silang lahat ay patay at naanod nalang ang bangkay sa kung saan-saan. Pero nagkakamali sila!" Ngumisi si Ryle. Nakikinig lang si Danarah. "Narito pa ako at buhay na buhay!" Dugtong pa nito.
BINABASA MO ANG
THE LEGEND OF LADY WARRIOR (BOOK2: SHE IS DANGEROUS) BY: APPLE
ActionNapabalikwas si Danarah. Dinig na dinig niya ang pinag-uusapan mula sa labas kung saan siya nakapihit sa makakapal na rehas at matataas na pader na gawa sa naglalakihang bato. Anim na taon na ang kaniyang pagdurusa. Tama na! Kailangan na niyang guma...