CHAPTER 13:

645 30 0
                                    

Isang babae na nakasuot ng blouse with black pants and black boots with matching black na sutana.

Mabilog na pasingkit ang mata, matangos ang ilong at pulang-pula ang labi na siyang nagpaperpekto sa mabilog nitong mukha at sinabayan pa ng rossy cheeks nitong pisngi at madulas na itim na buhok. Para siyang nakakita ng diyosa na nagpapanggap na mangkukulam.

Samantala, hindi alam ni Danarah kung ano ang gagawin. Lualakas ang kabog ng dibdib niya. Para itong Santa Ana Park na nag-uunahan ang mga kabayo sa pangangarera. Hindi ba niya ito papansinin? O kaya tatakbo nalang siya. Pero bakit? Susuntukin ba niya ito? Pero hindi naman kaya siya magmumukhang bitter.

Anim na taon silang nagkahiwalay ni Jiro at ganon katagal siyang nanabik sa mga yakap at halik nito. Ngunit napalitan ng sama ng loob ang kaniyang pananabik nang sabihin ni Cholo sakaniya na may anak na ito sa asawang si Marisse.

Sinaktan lang siya ng lalaking nasa harapan niya ngayon.

Hindi rin alam ni Jiro ang unang hakbang na gagawin. Yakapin ba niya ang dalaga? Pero baka hindi pwede? Ngingiti ba siya? Pero magmumukha naman siyang plastik.

Tama si Cholo! Hindi niya alam kung manghihinayang ba siya o matutuwa sa muli nilang pagharap ni Danarah. Anim na taon silang hindi nagkita at nagkasama. At sa loob ng taon na iyon, madami ng nangyari. May mga anak na ito at siya naman ay............

"I'm sorry!" Sabay nilang wika sa isa't-isa.

Napayuko si Danarah. Hindi niya kayang titigan ang lalaking hanggang ngayon ay sinasariwa pa rin ang sugat sa kaniyang puso.

"Dan---dan---narah!" Halos pangapusan si Jiro sa pagbanggit ng panagalan ng dalaga.

Hindi na maatim ni Danarah ang paninibugho kaya lumihis na siya ng tingin papalayo.

Naglakad siya ng naglakad hanggang sa napalayo na siya sa Anniston U.

Nagtatalo ang puso at isipan niya.

Nagbago na nga talaga si Jiro. Wala man lang siyang naramdaman na pananabik sakaniya ang binata. Parang ordinaryong kakilala nalang ang turing nito sakaniya. Ano pa nga ba ang aasahan niya, may sarili ng pamilya ito at wala ng pag-asa na maibalik pa ang dati nilang pagmamahalan.

Ngayon ay bumabalik sa kaniyang mga alaala ang bawat pangyayari sa nakaraan nila ni Jiro. Hindi na niya napigilan ang paglandas ng mga luha sakaniyang pisngi.

Nasasaktan siyang isipin na si Jiro ay masaya na sa buhay nito samantalang siya ay wala pa ring tigil sa pakikipagsapalaran sa makamundong buhay niya. Ang dami pa rin niyang reapinsibilidad na tinatahak. Patuloy pa rin siya sa masalimuot na pamumuhay, nag-aalaga ng mga kapatid niya at kasama pa rin hanggang ngayon ang kaniyang baliw at impaktang yaya. Naghahanap pa rin siya ng hustisya para sakaniyang kuya Dave at pilit na naghahanap ng mga kasagutan sa lahat ng mga katanungang naglalaro sakaniya isipan.

Natigil siya sa paglalakad at nilingon ang pinanggalingan.

Dahil sa kaiisip kay Jiro, nakalimutan niyangay sarili pala siyang sasakyan. At malayo na siya para balikan pa niya ito. Isa pa, naghihinagpis pa ang puso niya. Ayaw niya munang makita muli ang lugar kung saan naging makulay ang buhay pag-ibig niya kasama si Jiro.

Naghanap siya ng mapagpapahingaan. Doon sa parke na walang katao-tao siya nakakita ng mauupuan.

Nagtungo siya doon sa lilim ng puno mangga.

Tumingala siya sa taas at napansin ang mangilan-ilan na bunga nito at mukang malilit pa.

"Nakaramdam ka na ba ng kawalan ng pag-asa?" Tinig na isang lalaki mula sakaniyang likuran.

THE LEGEND OF LADY WARRIOR (BOOK2: SHE IS DANGEROUS) BY: APPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon