Maingat si Danarah sa pagpasok ng bahay. Kahit hirap siya ay pinilit niyang akayin si Azi patungo sa guess room. Ramdam niya ang panghihina nito at kailangan ng mahaba-habang pahinga. Isa pa, sariwa pa ang ibang mga latay at pasa sa katawan nito at kailangan din mabigyan ng pangunahing lunas.
Nakapikit ang mga mata ni Azi. Bumagsak ang katawan nito sa malambot na kama.
Tanging mahihinang ungol ang naririnig ni Danarah. Inayos niya ito sa pagkakahiga saka kumuha ng maaligamgam na tubig at twalya upang punasan ito. Pagkatapis ay nagkalkal sa medicine cabinet ng pangpunas sa mga sugat nitong natamo.
Samantala, hindi na dalawin ng antok si Dave. Alas dos na ng madaling araw pero dilat na dilat ang kaniyang mga mata.
Bumabalik na sakaniyang alaala ang nakaraan. Ang nangyari sakanila ni Danarah ng gabing iyon. Hanggang sa pinahirapan siya na dala anayinding pag-aalala sa kapatid. Kinulong siya sa isang liblib na lugar sa California. Nang tuluyan na siyang nanghina ay binalik siya sa Pilipinas at ginapos. Hanggang sa pinagdesisiyunan ng mga ito na patayin siya sa kamay ng taong hindi niya lubos akalain na kaya silang gawan nito ng paglabag sa karapatang pantao.
At nang gabing iyon, kung saan ay nakatakda ang araw ng kaniyang kamatayan sa mga kamay ng taong iyon. Kahit mahina ang katawan ay nakahanap pa rin siya ng pagkakataong makatakas hanggang sa napadpad siya sa magubat na lugar. Nahulog sa mataas na bangin hanggang sa mawalan siya ng malay.
Nang magkamulat siya ay isang matanda ang kaniyang nasilayan ngunit hindi na niya maalala pa ang pangalan at ang pangyayari sa buhay niya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang matandang iyon ay isa sa mga ninuno ni Jiro na mas ginustong manirahan sa gubat.
Ayon kay Jiro ay matagal siyang nagka-amnesia. Tinago siya nito sa isang lugar na malayo sa lungsod.
At ngayon ay nakakaalala na siya. Si Cholo ang una niyang nakausap ng makilala na niya ang kaniyang sarili. Ayon dito ay abala daw si Jiro sa trabaho at sa pamilya at si Cholo ang inuutusan nito upang asikasuhin siya.Una niya talagang naisip si Danarah at labis ang kaniyang kasiyahan ng sabihin ni Cholo na buhay ang kapatid at narito na din sa Pilipinas. Sa kadaldalan nito, hindi rin nakaligtas sa kaniyang mga kwento ang tungkol sa kambal na kapatid nila.
Nakaramdam si Danarah sa mga sandaling iyon. Nakatatulog siya sa sofa. Nakarinig na naman siya ng ungol ni Azi. Nilapitan niya ito at nakita niyang nakadilat ang mga mata na pinaiikot sa buong silid.
Naupo si Danarah sa kama. Tinitigan siya nito na waring kinikilala.
"Azi!" Sambit niya
"Da---dannn---arah!" Mahinang turan nito.
"Ako nga Azi! Ako nga! Kum---usta ka na?"
Unti-unting inangat ni Azi ang kamay at humaplos sa pisngi ni Danarah.
"Hindi ba panaginip ang lahat!"
Hinawakan di ni Danarah ang palad nito na nakahawak sa pisngi niya.
"Ang akala ko din ay isa lang itong pananginip pero totoo. Nakakausap na kita at sigurado akong buhay ka pa."
"Danarah, ang alam ko ay hindi na tayo magkikita?"
"Ako din! Alam mo bang sumagi din sa isip ko na baka lihimnka ding kalaban ng mga Angelous dahil dati kang myembro ng Neophyte."
Suminghal si Azi saka pilit na pinaupo ang sarili.
"Hindi ako marunong magtraydor lalo na kung ikapapamak ng mga taong may mabuting ginagawa Danarah. Alam mo yan!"
Tipid na ngumiti si Danarah.
BINABASA MO ANG
THE LEGEND OF LADY WARRIOR (BOOK2: SHE IS DANGEROUS) BY: APPLE
ActionNapabalikwas si Danarah. Dinig na dinig niya ang pinag-uusapan mula sa labas kung saan siya nakapihit sa makakapal na rehas at matataas na pader na gawa sa naglalakihang bato. Anim na taon na ang kaniyang pagdurusa. Tama na! Kailangan na niyang guma...