Nanginig ang kalamnan ni Danarah ng makita ang mataas na apoy. Lalo siyang napahigpit sa pagkakahawak sa braso ni Marisse.
"Jiroooo!" Sigaw niya ng maalala ang asawa na naroon sa naturang pagsabog.
Nakita niya ang kaniyang kuya Dave na sumugod sa lugar na huli niyang nakita ang asawa.
Kinakabahan siya ng aligaga ang kaniyang kuya sa pagtanggal ng mga nagkalat doon na kasalukuyan pa ring nasusunog.
Ilang sandali pa'y umaliwalas na ang kaniyang mukha ng makita ang kaniyang asawa na tila hirap ito sa paghinga.
"Jiro!" Sigaw niya.
Nilingon naman siya nito saka nginitian.
Natuwa siya dahil kahit bakas dito ang paghihirap ay nagagawa pa rin itong ngumiti sakaniya.
Gusto na niyang takbuhin ang kinaroroonan ni Jiro ngunit naalala niyang hawak pala niya si Marisse.
"Halika dito! Puntahan natin ang ex-boyfriend mo na ngayon ay asawa ko." Madiin niyang turan kay Marisse. Hindi naman ito umiimik at ang isip ay kung ano na rin nangyari kay Xavier. Paano na ang plano nila.
Nang malapitan ni Danarah ang asawa ay agad niyang niyakap ito.
Awang awa siya sa asawa dahil sa mga tinamong sugat nito sa mukha.
"Nasaan na si Xavier?" Si Dave ang nagtanong.
"Bigla rin siyang nawala. Baka nakahanap ng pagkakataon para tumakas." Sagot ni Jiro.
Napaisip naman si Marisse. Kung ganon ay iniwan siya ng mga kapatid niya. Kung tutuusin, damay lang naman siya.
Napasulyap si Jiro ng makita si Marisse na nakagapos ang kamay.
"Sweetheart?" Bulalas ni Jiro ngunit ang mukha ay waring nagtatanong.
"Bihag ko siya!" Sagot ni Danarah.
"Bakit?" Kunut-noong turan ni Jiro.
Pakiramdam tuloy ni Danarah ay naaawa pa ang asawa sa dating kasintahan.
"Bakit? Nanghihinayang ka ba?" Pasupladang tanong niya.
"Pero sweetheart hindi mo naman kailangang igapos pa si Marisse."
Mas lalong nakaramdam ng pagkainis si Danarah. So naaawa nga ang asawa niya at tila gusto pa nitong pakawalan.
Hinila niya si Marisse saka tinulak kay Jiro.
"Aw!" Daing ni Jiro.
At si Marisse naman ay napasandal kay Jiro.
"Kung naaawa ka sakaniya, magsama kayong dalawa." Turan niya saka iniwan na sila.
Nagtataka naman si Jiro sa inaasta ng asawa. Hayyss! Heto na naman sila! Sigurado na naman ang walang humpay na bangayan.
Habol ang paghinga ni Van ng makaahon ito sa pangpang. Kita niya ang mataas na usok mula sa pinaggalingan niya.
Hindi na niya alam kung ano ang nangyari doon pero ang mahalaga ay ang ligtas siya.
Masama man ang loob niya sa pagkabulilyaso ng kanilang lakad ay wala na siyang magagawa. Sino ba ang mag-aakalang suaugurin sila ng mga angelous at ang mga naglalakihangvisda pa ang nakaengkwentro niya.
Nagpahinga siya saglit sa daungan saka siya nagpasyang bumalik sa kanilang hideout. Marami pa ang natirang neophyte kaysa sa mga nawala kaya buo pa rin ang pasya niya. Kailangan na niyang sugurin ang Anniston U bilang ganti sa lady warrior ng mga angelous.
BINABASA MO ANG
THE LEGEND OF LADY WARRIOR (BOOK2: SHE IS DANGEROUS) BY: APPLE
AçãoNapabalikwas si Danarah. Dinig na dinig niya ang pinag-uusapan mula sa labas kung saan siya nakapihit sa makakapal na rehas at matataas na pader na gawa sa naglalakihang bato. Anim na taon na ang kaniyang pagdurusa. Tama na! Kailangan na niyang guma...