CHAPTER 18:

660 31 0
                                    

  

Lumabas ang mga armadong kalalakihan mula sa mga sasakyan.

"Makinig kayo, kailangan masunod ang ating plano. Kung hindi natin makuha o mapatay si Danarah, kailangan nating makuha ang maski na isa sa mga kapatid niya." Mariing bilin ni Van.

"Teka muna! Kailangan pa bang mapatay si Danarah?" Tila may pagtutol ni Xavier.

"Tumigil ka! Hindi makakatulong ang pangongontra mo. Sinasabi ko na sayo, kapag nalaman niya na ikaw ang dahilan ng pagkapaslang ni Dave siguradong kamatayan ang parusa mo sa mga kamay niya kaya wag ka ng magpakainosente sa mga paningin niya dahil hindi ka niya kakaawaan."

Hindi na nakaimik pa si Xavier.

"Hindi ako pwedeng magpakita sakaniya." Tanging sambit niya ng magsimula na ang mga ito sa paglakad patungo sa loob.

"Bahala ka! Siguruduhin mo lang na hindi ka magiging balakid ng layunin ng Neophyte dahil kung hindi, alam mo na kung ano ang kapalit at wala akong magagawa para sa iyong kaligtasan." Makahulugang wika ni Van at nagpatuloy na sila ng mga kasama.

Nalatitig si Danarah sa mga kambal at kay Ayella na sumasayaw. Sila nalang ang natira sa dance floor at mukang wala na silang balak na bumalik sa upuan. Hindi pa ba sila pagod magsayaw?!

Habang tumatagal ay lalo namang dumidikit si Jiro sakaniya.

Napapunas siya sa kaniyang noo dahil ang totoo, pinagpapawisan na siya marahil dala ng init ng katawan ng binata.

"Bakit ba ang init?" Hasik niya.

"Oo nga! Sobrang init!" Sambit naman ni Jiro at kinuha pa ang table napkin na ginamit na pamaypay sa sarili.

"Bakit ka sumasagot? Ikaw ba ang kausap ko?" Pairap na wika niya.

"Eh bakit? Ikaw rin ba ang kausap ko?" Tugon naman nito.

Nakasimangot siya na lumipat ng upo palayo sa binata.

Tumayo si Jiro saka tumabi muli sakaniya sa kabilang bahagi.

"Bakit ka ba lapit ng lapit?" Usal niya.

"Eh bakit mo ako kinakausap? Di ba ayaw mo?"

"Pwede lang din pwera bati!"

"Bakit ba ang sungit mo? Ikaw na nga ang nang-iwan ikaw pa ang galit?"

Naalala naman ni Danarah noong nakaraang gabi.

"Hindi kita iniwan! Saka galit ako sayo dahil may syota ka ng iba. Kaya pwede ba, tantanan mo na ako."

Himdi kita tatantanan hangga't hindi bumabalik ang dating Ikaw."

"Pwede bang------" Hindi na naituloy ni Danarah ang sasabihin ng may napansin siya sa glass window.

Biglang nabuhay ang instinct niya.

"Ang mga neophyte!" Usal niya."

"Ha?"

Tumayo si Danarah at sakto namang pagdating ng mga kalaban sa loob.

Dinig na dinig ang mga malalakas na pagkasa ng kani-kanilang mga baril.

Nagulat ang lahat at nabigla. Pero ang kambal at si Ayella parang walang pakialam sa paligid patuloy pa rin silang sumasayaw na animo'y naglalaro ng bulaklakan.

Ilang sandali pa'y nagpaputok ang mga ito. Pinaputukan ang ibabaw ng mesa ng mga taong naroon kaya nagkagulo na ang lahat. Saka lang natigil ang tatlong bata sa pagsasayaw.

Agad na nagtungo si Danarah sa kinaroroonan ng mga kapatid na sinundan naman ni Jiro.

Hawak na nila ang mga bata ngunit sunud-sunod na putok naman sa kinaroroonan nila ang namayani. Nagkubli nalang sila dahil parehas silang walang mga dalang pangprotekta sakanilang sarili.

THE LEGEND OF LADY WARRIOR (BOOK2: SHE IS DANGEROUS) BY: APPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon