Parang namagnet ang mata niya sa baril na nakasabit sa tagiliran ng referee.
Ito na nga ang pagkakataon niya.
Agad niyang binunot ang baril at unang pinaputukan ang referee.
Nang marinig ng mga taong naroon ang putok ay nagtakbuhan sila.
Nagkagulo na sa loob. Pagkakataon na ni Danarah upang pumunta sa kinaroroonan ng natuklasan niyang private jet ng mga kalaban.
Mabilis ang kaniyang takbo.
Puno ng bala ang magazine ng hawak niyang baril. Kaya naman kapg may nakikita siyang papalapit na mga kalaban ay agad niya silang pinapaputukan.
Hanggang sa narating niya ang kinaroroonan ng private jet. Wala ang mga nagbabantay dahil abala ang mga ito sa mga kapwa niya bilanggo na nakisali na rin sa gulo.
Bahala na kung ano ang mangyari. Ang mahalaga ay makaalis siya sa impyernong kinaroroonan niya.
Pinindot niya ang mga access button para makaalis siya sa lugar na iyon.
Sinakyan niya agad ang jet. Tanda pa naman niya kung paano ito i-operate. Bago kasi natuklasan ng kaniyang ama ang pagsali niya sa gruping Angelous ay tinuruan na siya nitong mag-operate ng mga sasakyang panghimpapawid.
Gumalaw na ang jet. Papalabas na siya sa bodegang iyon. Lumipad na ito kasabay ng pagdating ng mga kalaban doon.
Ngumisi siya.
"Ang mga gago! Tignan ko lang kung maaabutan niyo pa ako." Wika ng isip niya.
Alam niyang hindi na siya mahahabol pa ng mga ito dahil iisa lang ang jet nila at iyon ay ang kaniyang ginamin na pangtinakas.
Sa wakas makakaalis na rin siya ng Africa. Kung saan siya namuhay na parang hayop at kinulong sa isang lugar na pinapalibutan ng mga tubig at mahirap hanapin na lugar.
Alam ni Danarah na nasa gitna siya ng kagubatan. Kanina pa umiilaw ang emergency button. Mukang may problema ang jet pero hindi niya ma-identify.
Kung anu-ano na ang kaniyang pinipindot. Bumababa ang lipad ng jet hanggang sa bumigay na ito at nagpadausdos na siya sa mga naglalakihang puno.
-------
"WAAAHHHH!" Nagpapalahaw ng iyak si Daniela. Ang mahigit isang taong bunsong anak ng mga Li."I'ts okay baby! Here is your milk. Don't cry okay." Pang-aalo ni Kirsten sa buhat-buhat niyang anak.
Marahan niyang tinatapik-tapik ang puwet ng bata habang hinehele niya ito. Oras na kasi ng tulog ni Daniela.
Habang kinakantahan niya ang anak ng pampatulog ay nahagip naman ng kaniyang mga mata ang dalawa pang anak na lalake at naglalaro ang mga ito ng baril-barilan.
Naghagis si Danver ng isang bagay sa kinaroroonan ng kakambal nitong si Darren.
"BOOMMM! Oh! You're dead Darren." Wika ni Danver ng hindi mahintay ang kapatid na lumabas sa pinagkukubliang likod ng pintuan.
"You're clever huh!? You said no grenade and bomb but you still used it. You're disqualified bro!" Reklamo naman ni Darren na tuluyan ng lumabas sa pinagkukublian.
Ang usapan ay ONLY GUN ang weapon nila. Pero ang kakambal niyang kapatid hinagisan siya ng granada. Ang daya ng kamukha niya!
"Of course it is needed. In a real battle there is always a bomb you know that? Huh!" Tila nagyayabang pang wika ni Danver sa kapatid.
"You're totally jerk! Hmp!" Hasik naman ni Darren na frustrated dahil napatay siya.
"Hey! Who told you to play like that here inside the house?" Sita ni Kirsten sa mga anak ngunit mahina lang ang kaniyang tinig dahil baka magising si Daniela. Pang-ilang sita na ba niya iyon sa dalawa.
BINABASA MO ANG
THE LEGEND OF LADY WARRIOR (BOOK2: SHE IS DANGEROUS) BY: APPLE
AcciónNapabalikwas si Danarah. Dinig na dinig niya ang pinag-uusapan mula sa labas kung saan siya nakapihit sa makakapal na rehas at matataas na pader na gawa sa naglalakihang bato. Anim na taon na ang kaniyang pagdurusa. Tama na! Kailangan na niyang guma...