MABILIS ang takbo ng sasakyang kinalulanan ni Danarah. Lahit na anong gawin niyang pagsiaigaw ay parang hindi siya pinapakinggan ng taong dumukot sakaniya.
Tanging muka lang ni batman ang nakikita niya sa lalake dahil iyon ang maskara niya.
"Pwede bang tanggalin mo ang maskara mo ng makilala kita." Wika niya. Ngunit nilingon lang siya saglit kasunod ng biglang paglihis ng sasakyan.
Muntik na siyang mabaliktad kung wala lang ang sandalan niya.
Kada minutong sumisipat si Xavier sakaniyang relo. Wala pa rin si Danarah at hindi niya alam kung sisipot ba ito o hindi. Kung bakit kasi hindi uso sa dalaga ang cellphone. Kanina pa lumampas ang relo sa oras dapat ng dating niya. Kilala niya si Danarah, kapag nagsabi ito ng oras ay tinutupad niya kahit pa may balakid ngunit hindi pa rin ito nadating. Isa lang ang ibig sabihin nun, hindi na darating ang hinihintay niya.
Tatayo na sana siya ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
Sinagot niya ito agad ng makita kung sino ang caller.
"Oo papunta na ako!" Iyon lang ang kaniyang tinugon at nagmadali siyang umalis.
Sa mataas na lugar dinala si Danarah. Kung hindi siya nagkakamali ay bangin na ang nasa harapan nila.
Bumaba si batman este ang lalakeng dumukot sakaniya mula sa sasakyan.
Tanaw nila ang malabituing nagkikislapan na mga ilaw sa paligid.
"Hoy batman na walang kapa! Bakit mo ako dinala dito?" Sigaw niya na sumunod sa lalakeng nakatanaw sa paligid. Isang tulak niya lang siguro dito ay siguradong mahuhulog na.
Nakatalikod na tinanggal ng lalake ang kaniyang maskara saka nilingon si Danarah.
"Jiro?" Nkunut-noong sambit niya.
"Ako nga!"
"Kailan ka pa naging kidnapper?"
Ngumisi si Jiro saka nagsalita.
"Ngayon lang dahil sa iyo." Sagot ng binata at bahagyang lumapit sakaniya.
"Hindi mo ba alam na engagement namin ni Xavier ngayon? Siguradong naghihintay na siya sa akin." Pasigaw na turan niya.
"Alam ko! At bago mangyari iyon, kailangan makinig ka muna sa mga paliwanag ko."
"Ahhh, bakit ba kung kelan ka tumanda saka ka naging makulit. Di ba sinabi ko sayo na hindi na ako makikinig sa mga paliwanag mo."
"Bakit ba kailangan mong magpakasal kay Xavier? Alam oo namang hindi mo siya mahal."
"Hoy Jiro! Wag kang selfish! Wala ka sa lugar para turuan ako kung sino ang mamahalin ko."
"Bakit ba ang labo mong kausap Danarah?" Hindi nakatiis si Jiro at nasigawan na din ang dalaga.
"Ikaw ang malabong kausap. Ikaw ang paasa at ikaw din ang panira."
"Hindi magiging mabuti si Xavier sa iyo?"
"At sino ka para humusga? Bakit? Judge ka ba sa supreme court para sabihin ang mga yan sa akin?" Himutok niya. Sa totoo lang nanggigigil siya na hindi niya mawari.
"E ikaw? Anong klase kang bato para hindi makaramdam?" Tugon naman ni Jiro.
"Marmol ako kaya wala na akong nararamdaman pa para sayo. Ibalik mo na ako ngayon din sa tagpuan namin ni Xavier." Papadyak na wika niya.
Ngumisi si Jiro. Hindi siya kasing baliw ng nanny ng dalaga para gawin iyon.
"Bakit si Duterte ka ba para sundin ko ang utos mo? Kung bitay ang magiging kapalit ng mga paliwanag ko upang mas lalo mong maunawaan ang sitwasyon, tatanggapin ko."
BINABASA MO ANG
THE LEGEND OF LADY WARRIOR (BOOK2: SHE IS DANGEROUS) BY: APPLE
AkcjaNapabalikwas si Danarah. Dinig na dinig niya ang pinag-uusapan mula sa labas kung saan siya nakapihit sa makakapal na rehas at matataas na pader na gawa sa naglalakihang bato. Anim na taon na ang kaniyang pagdurusa. Tama na! Kailangan na niyang guma...